#TKOS-HULI!
"SO BAKIT ka na-late kanina? Company problem?" Tanong ko sa kaniya habang chumichibog ng pulutan namin.
Hindi niya ako sinagot dahil tinungga niya ng tuloy-tuloy 'yung beer na umiinom niya.
"Woi, Batas, hinay-hinay naman. Hindi ka nakikipagkarera at mas lalong hindi ka mauubusan ng alak." Nag-aalalang aniko saka siya pinigilan nang muli niyang itungga 'yung panibagong beer na nasa lamesa! "Chumibog ka muna ng pulutan!" Natatawang aniko kaya napatitig lang siya sa akin.
Matagal. Matagal niya akong pinakatitigan. Hindi ko alam kung ano ang mga palaisipang pumapasok sa kaniyang isipan. Masasabi kong hindi pa siya lasing dahil hindi pa namumungay ang kaniyang mga mata pero 'yung mga titig niya...tila mayroong gustong sabihin.
"Ano---"
.
.
.
.
."Kapag niloko ka ng taong mahal mo...anong gagawin mo?" Bigla niyang tanong sa kawalan. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Pero 'yung tanong niya... it's my time to manipulate him! "Ako? Siyempre kokomprontahin ko siya. Sa ganda kong 'to? Maghahanap pa siya ng babaeng ni' hindi pa umabot sa kalingkingan ko." Panimulang aniko na ikinatawa ko.
"That's also my point!" Bulalas niya bago muling itungga 'yung beer na hawak-hawak niya.
"At alam mo ba kung ano ang susunod kong gagawin?" I slowly touched his chin while directly staring at his eyes. "Iiwanan ko na siya. I will dump him like what he did to me." Inalis ko ang aking kamay sa kaniyang baba saka tumungga ng alak. "Napakaraming lalaki sa mundo. Mas better kaysa sa kaniya, at mas deserving. Iyong taong always at your side kapag kailangan ko siya. Hahanap ako ng gan'un at ipapakita ko sa MANLOLOKONG EX ko na kaya ko siyang palitan at hindi siya kawalan." I smirked at him saka ko isinawsaw ang isaw sa maanghang na suka bago ito isinubo't kinain.
He just laughed at me bago muling dire-diretsong itinungga ang alak na kaniyang hawak-hawak. "Napakalalim ng hugot mo ah? Mind to share who's that man who hurt you?" Hindi maitatago ang kaniyang pagtawa kahit pa man itinuloy na niya ang pag-inom ng alak.
"Ako? Wala ah. I mean...hindi ko hugot 'yun. Hugot 'yun ng kaibigan ko. Mayroon kasi siyang asawa, at may anak na rin sila, pero 'yung asawa niya? Ayun! Kumekereng-keng sa iba!" Pagkukuwento ko sa kunwari kong kaibigan kahit na sila naman ni Alira ang isinasalaysay ko.
"Kumekereng-keng?" Kunot-noong tanong niya.
"Uum. Kumekereng-keng, lumalandi! Nagiging higad sa ibang puno matapos pagsawaan ang kaniyang dating punong tinitirhan." Makahulugang aniko.
"W-what do you m---"
"Gusto mo pa ba ng beer? Kukuha pa ako!" Excited na aniko upang maputol ang kaniyang sinasabi. Baka kasi mapunta ang usapan namin sa hindi ko inaasahang pagkakataon at masira lahat ng plano ko.
BINABASA MO ANG
The Kiss Of Sunset
RomantikA perfect picture family. That's how to described Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez's life. All of them were living a happy, peaceful, and contented life. But life wasn't just created for nonstop happiness because, in one blink of their eye, the wo...