TKOS- 12 years later...
I SIGHED.
I sighed again. Saka ko ipinatong sa tabi ng tatlong urn na narito sa aking harapan ang dala-dala kong tatlong bulaklak. "Kamusta na kayo? It's been 12 years at ngayon ko lang kayo nabisita." Pagkausap ko sa magkakatabing urn na narito. "Oh, paano ba 'yan? Chemist na ako! Actually 11 years ago pa...ngayon ko lang nasabi sa inyo. Pasensiya na ah? At hindi ko kayo nabisita sa loob ng labindalawang taon... it's just that hindi ko pa kayo kayang harapin dahil sa mga kagaguhan at katangahan na nagawa ko." Natatawang aniko at parang tanga na kinakausap ang mga urn na nasa harapan ko. I cleared my throat as my smile faded saka ako muling nagsalita, "Siguro hinihintay niyo na banggitin ko si Dad, ano? Well, his still alive and kicking...sa loob nga lang ng selda. Reclusion perpetual ang hinatol sa kaniya ng korte at tinanggalan siya ng karapatang magkaroon ng parole dahil sa triple murder na ginawa niya, kasama na ng iba't ibang kasong nakapatong sa ulo niya. Well, he deserves it, right? Nakuha niyo ang hustisyang akala niyo ay malabo niyong makuha. Don't worry about me...about us...maayos kami lalo na si Alliz. Dalaga na siya, natatakot na nga ako eh baka mamaya may boyfriend na pala siya at hindi niya pa sinasabi. She's turning 18 soon...our princess is now a lady." I sweetly uttered and smile. Kasabay nito ang pagtunog ng aking telepono. "Yes, my princess?" Pagsagot ko sa tawag ni Allizale.
["Stop calling me that, daddy! Kadiri!"] Reklamo niya na ikinatawa ko. ["Maiba ako! Si Junior Idinala ni Mommy Soraya sa ospital!"] Nag-aalalang aniya na ikinakunoot-noo ko.
"Why what happened?" Usisa ko.
["Kagabi pa kasi nilalagnat si Junior at kaninang umaga ay nagkombulsiyon siya."] Pag-iimporma niya na ikinatango-tango ko.
"Alright, I'm coming. Wait for me, huh?" Wika ko saka ko pinatay ang tawag. I once again looked at the urns in front of me. "Paano ba 'yan? Mommy, Mamà, Papá...mauuna na ako ah? Emergency eh!" Pagpapaalam ko saka naglakad na paalis.
Masyado kasing malamig dito sa South Korea ngayon mukhang naninibago si Junior sa weather kaya tinamaan ng lagnat. Sana ay gumaling na siya para hindi na magalala pa ng husto si Soraya.
Sa bilis ng bawat paghakbang ng aking mga paa ay naibaling ko pa rin ang aking paningin sa magandang kaulapan...nakakaakit kasi itong tingnan. Napangiti ako at hinayaan kong dumantay sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. "Kamusta ka na, Alira? Pasensiya na hindi rin kita nabibisita...until we see each other again...I miss you..." Pagkausap ko sa langit bago ko ipinagpatuloy ang aking pagalalakad.
««||»»
"SA loob ng napakatagal na panahon ay laya ka na, miss." Wika sa akin nu'ng prison guard kaya nginitian ko na lamang siya bago tuluyang lumabas ng prisintong ito.
Oo nga. Napakaraming taon na ang dumaan...labindalawang taon din akong nakulong para pagbayaran ang nagawa kong kasalanan. "Hey!" Pagtawag sa akin ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa aking likuran. Doon bumungad sa akin ang napakagandang ngiti ng aking mga kaibigan. "Woah! Nakulong ka ba talaga? Bakit hindi ka man lang nangayayat! Lalo pang nagkaroon ng shape ang baywang mo!" Reklamo niya nang makababa sa kotseng sinasakyan nila.
"Hello, tita-ninang!" Pagkaway sa akin ni Chichay na siya ring kinawayan ko pabalik.
"Kalaki na ng anak mo..." I looked at Mitch and smiled sadly. Si Alliz kaya? Ano na ang itsura niya? Sa loob ng labindalawang taon ay hindi ako tumanggap ng mga bisita sa preso kahit pa man ang anak ko. Ayoko kasing lalo silang maguilty sa kalagayan ko kaya pinalayo ko na lamang sila.
BINABASA MO ANG
The Kiss Of Sunset
RomanceA perfect picture family. That's how to described Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez's life. All of them were living a happy, peaceful, and contented life. But life wasn't just created for nonstop happiness because, in one blink of their eye, the wo...