TKOS- C H A P T E R 7

163 102 0
                                    

#TKOS-HAPPY FAMILY

NANG huminto ang sinasakyan naming black Tesla Model 3 sa harap ng Lovere Pharmaceutical ay nadatnan namin ang lahat ng empleyado na naka linya sa harap ng kompaniya. Dalawang linyang magkaharap ang kanilang posisyon at sa harap nila, sa gitna ay ang red carpet na aming daraanan papasok sa kompaniya. Para silang mga royal guards na hinihintay pumasok ang kanilang hari't reyna.

Tradisyon na ito ng aming kompaniya kapag ililipat na ang titulong C.E.O at C.O.O sa mga bagong mamumuno. Naalala ko nga noong bata pa ako ay ginawa na namin ito nila papá't mamá.

"Let's go, Honey?" Nakangiting turan ni Martin nang buksan niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid ko.

I smiled at him saka ako bumaba. He also opened the door for our princess na nakasuot ng isang purple dress. I hold Allizale's hand nang makababa siya sa sasakyan. Martin closed the car' doors. Hinawakan rin niya ang kamay ng anak namin.

"Tayo na!" Masigla kong aniya saka kami nag-umpisang maglakad sa red carpet. Habang naglalakad ay nag-si-pag bow ang mga empleyado ng kompaniya sa amin.

Ayaw ko man ng ganito ka-pormal ay wala akong magawa dahil tradisyon na namin ito. Sa dulo ng red carpet ay naghihintay ang aming mga magulang. May hawak na kulay pula at blue na ribbon necklace si daddy Lorencio at papá. Bouquet of flowers naman ang hawak ni mommy Saphire at mamá. Nakahilera naman sa likuran nila ang mga stakeholders ng kompaniya.

Ewan ko ba pero imbis na kaba ang aking maramdaman dahil sa malaking responsibilidad na aking haharapin ay iba ang aking nararamdaman. Tila umaapaw ang kayabangang enerhiya sa aking katawan. Naglalakad akong taas noo habang walang emosyon. Tila may kung anong kapangyarihan ang sumasanib sa'kin.

"Welcome to our company." Sabay-sabay na turan ng aming mga magulang kasama na ng mga stakeholders sa likod. Nag bow sila sa'min na tinugon din namin ng bow.

Most of our stakeholders ay Korean and Spanish kaya hindi nawawala ang tradisyunal na respetong pag-b-bow. Hindi man ako nanirahan ng gan'un katagal sa Korea ay tinuruan naman ako nila mamá't papá ng mga kailagang matutunan sa bansang 'yon.

"Graciás,"

"Kamsahamnida,"

"Thank you, for welcoming us." Iyan ang mga katagang sinambit namin ni Martin bago maisuot nina daddy Lorencio at papá ang ribbon necklace at bago namin abutin ang bouquet of flowers.

Nag bow ulit kami sa kanila.

"Please," iminuwestra ng aming mga magulang ang glass door papasok ng kompaniya.

"It's our pleasure." Walang paligoy-ligoy na tinahak namin ito ni Martin. Pag pasok namin sa loob ay nag bow ang ibang empleyadong naroon. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad patungo sa golden elevator. We waited for our parents. Nang makasakay na sila ay nagsipasukan na rin ang mga empleyado sa loob ng kompaniya. Bago pa man mag sara ang pintuan ng elevator ay nakita kong isa-isa na silang nagtutungo sa kaniya-kaniya nilang opisina.

Bakit parang nag-iba ag hangin dito sa loob ng kompaniya kumpara noong una akong nagsuperbisa?

Ah, kasi hindi nila ako ni-respeto noon kumpara ngayon. Let's see kung mababastos niyo ako ngayon.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon