TKOS- FLAT LINE
"NURSE, anong room number ni Chairman Alira?" Tanong ko sa nurse na nasa lobby. Nang lumapag ang sinasakyan kong private jet kanina ay dumiretso na kasi ako kaagad dito sa Lovere Medical Center dahil sa mga oras na ito ay napakaimportante ng bawat segundo.
"Ah, nasa E.R number 1 pa rin po siya dahil kinakailangan pa pong bantayan ang kalagayan niya." Wika nu'ng nurse kaya nagpasalamat ako, "Thank you and Merry Christmas." Saka ko tinahak ang pasilyo sa kaliwa upang pumunta sa emergency room number 1. Habang naglalakad sa pasilyo ay nakita ko ang mga taong kasalukuyang nakaupo sa mga benches, mga wala rin silang tulog kagaya ko. Ang iba sa kanila ay nagkakape upang malabanan ang antok, ang iba naman ay kumakain ng cup noodles upang malabanan ang maginaw na simoy ng hangin. Madaling araw na rin kasi, 3:30 a.m for the exact time kaya mas malamig ang simoy ng hangin ngayon. Pasko na, pero ang mga ganap sa loob ng ospital ay katulad pa rin ng dati. Nadarama rin kaya ng bawat taong narito ang presensiya ng pasko?
Nang makarating ako sa dulo ng pasilyong ito ay bumungad sa akin sina Soliel at ang adopted brother ni Alira na si Dan, kasalukuyan silang nakaupo habang nagkakape. Maglalakad pa sana ako palapit sa kanila nang biglang lumingon si Soliel sa kinatatayuan ko. Our eyes met that's why I smiled at her sweetly pero hindi niya sinuklian ang pagngiti ko.
"Merry Christmas." Pagbati ko pa rin sa kaniya gamit ang tonong katamtaman. Iyong hindi masaya at hindi rin malungkot dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Pero imbis na pagbati ang marinig ko sa kaniya ay iba. "What are you doing here?" Singlamig ng yelong tanong niya. Hindi ko alam pero tila kinurot ng kaunti ang puso ko dahil sa kaniyang pakikitungo sa akin. I know it's my fault that I left Philippines without saying goodbye to her...I know...I was wrong...
"Yan-yan..."
"Doon tayo sa labas. Fresh air, pampawala ng stress. Nakaka-stress kasi 'yang pagmumukha mo eh." Diretsahang aniya saka tumayo't nilagpasan lamang ako. Tiningnan ko si Dan pero tila wala siyang pakialam sa nangyayari kaya sinundan ko na lamang si Yan-yan. "So anong ginagawa mo rito, ha?" Muli niyang tanong ngunit ngayo'y nakapamaywang na siya. Gusto ko siyang tawanan at laiitin dahil mukha siyang manang pero hindi ko magawa dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay hindi na kami magkakaayos pa.
"I want to see Alira..." Makatotohanang aniko. Iyon naman talaga ang ipinunta ko. Nagaalala ako kay Alira and I want to see her.
"Hindi ba't you already dump her? Dumped us?!" Bulalas niya habang natatawa. "I will not ask why you left ate Alira because I know the reason... it's because of your foolishness!" Dinuro niya ako habang napapahilamos pa sa kaniyang mukha. "Then let me ask you one question, KUYA, why did you left me too?" Nagpipigil luhang aniya. I intended to hug her but she refused it. "Answer my damn question! I don't need a hug right now. What I need is you to give me an acceptable reason why you left me." Matigas na aniya kaya napabuntong hininga ako.
"Iniwan kita kasi mukhang okay ka naman. Okay ka na ikasal si dad kay Belen. Hindi ka nga nag-abalang sabihin sa akin 'di ba?" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng boses.
Isang pagak na tawa ang kaniyang pinakawalan. "Matalino ka sa acads pero hanggang doon ka na lang ba? Tang*na mo, KUYA! Siyempre masakit sa akin 'yun! For the first place ako ang mas matagal na nakasama ni mommy tapos iisipin mong kaya ko siyang palitan? Tang*na mo talaga! Bumalik ka na lang sa U.S! Hindi ka namin kailangan dito! Wala ng may kailangan sa'yo!" Kahihiyaw niya ay halos bumakat na sa leeg niya ang kaniyang mga ugat. Wala akong masabi...yeah...they don't need me anymore...
BINABASA MO ANG
The Kiss Of Sunset
RomanceA perfect picture family. That's how to described Alira Kassandra dela Cuesta-Chavez's life. All of them were living a happy, peaceful, and contented life. But life wasn't just created for nonstop happiness because, in one blink of their eye, the wo...