TKOS- C H A P T E R 12

108 88 0
                                    

#TKOS-DIARY

NAGISING ako nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto na kinalalagyan ni Alliz.

"I will just check her vitals," malambing na turan ng head nurse na laging tumitingin sa anak ko.

"Nurse Santiago," biglang tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako saka nginitian ng pagkatamis-tamis.

She was Eunice Santiago...the spouse of Felipe Santiago, one of our board of directors.

"Yes, Mrs. dela Cuesta-Chavez?"

"Anong masasabi mo sa pagiging Head of Director ni papá sa ospital na ito?" Pinakatitigan ko siyang mabuti. Marunong magsinungaling ang kaniyang mga labi pero hindi makapagsisinungaling ang kaniyang mga matang tinraydor siya. Isama pa ang kamao niyang pinanggigilan ang papel na hawak.

Dahil sa nangyari sa akin kahapon ay hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Bakit pakiramdam ko lahat ng taong nakapaligid sa akin ay mayroong kaniya-kaniyang maskarang suot-suot? Sino sa kanila ang totoo at sino sa kanila ang nagbabalatkayo?

"Napakabait ni Mr. dela Cuesta, Mrs. dela Cuesta-Chavez, talagang ramdam namin ang kaniyang pagmamahal para sa aming lahat dito sa loob ng ospital." Bumalik siya sa kaniyang ginagawa kay Alliz. "Itong Lovere Medical Center lamang ang mayroong bonus ang mga nurses tuwing hollidays and kapag overtime work. Kaya mahal na mahal namin siya rito." May kung ano siyang isinulat sa hawak niyang papel saka ako nginitian bago ito tuluyang umalis.

Pagka-alis niya ay sumingaw ang nakasusulasok na amoy ng PLASTIK kapag nasusunog ito! Walang'ya, lahat ng sinabi niya ay nilunok niya rin.

I looked at Alizalle's angelic face. Caressed her cheeks and put her palms on my cheeks. "Sweetie, gising ka na, hmm? Dapat sa susunod na bibisita ako sa'yo ay maayos na ang lagay mo, ah?" Napasinghot ako nang mayroong butil ng mga luhang namumuo sa aking mga mata. I let it flow out of my eyes. I hugged Alizalle's waist and I cried. "Anak, sweetie, mommy is so sacred of everything!" Nanghihinang aniko. "Parang gusto ng sumuko ni mommy, anak. Naguguluhan na ako sa nangyayari sa atin. Hindi ko na alam kung saan ko kakapaing lugar ang bawat kasagutan sa mga tanong ko!" Pumipiyok na dagdag ko.

Tumagal ng halos labinlimang minutong nasa gan'on akong posisyon. Nang kinalas ko ang pagkakayakap ko kay Alliz ay napansin ko ang pagkinang ng kulay ginto sa may bandang kili-kili niya.

Hinawi ko ang mahabang paalon at kulay uling niyang buhok upang mas lalo ko pang makita ang bagay na kumikinang dahil sa pag reflect ng ilaw dito.

"My golden key necklace," bulong ko sa'king sarili. It's the last gift that my mother gave to me. Kinabog-kabog ko na lamang ang aking dibdib ng maramdaman kong sumisikip na naman ito.

I stood up. Itinaas ko ang ulo ni Alliz at kinalas ang kwintas na ito sa kaniyang leeg. "A key, what is this for?" Tanong ko sa hangin.

Isinuot ko ang kwintas saka hinalikan si Alliz sa kaniyang sentido. "Ibabalik din ni mommy sa'yo ito, ah? Hahanapin ko lang ang kapareha nitong lock para buksan." I caressed her head and kissed it one more time.

Nilapitan ko ang kaniyang lampshade sa gilid ng kama niya at nilakasan ko ang ilaw nito. "I'll go ahead, sweetie, dahil nailabas ko na lahat ng luha ko ay napag-isip-isip kong lumaban para sa'yo." I touched her hands. "So, promised me na lalaban ka, ah?" Nginitian ko siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto inookyupahan niya rito sa Lovere Medical Center.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon