TKOS C H A P T E R 24

95 64 0
                                    

#TKOS- ADHIKAIN

HINDI ko alam kung talaga bang plano ni Martin na pumasok ng late sa kaniyang klase ngayong umaga dahil kanina ko pa nararamdaman na sinusundan niya ako sa lahat ng mga lugar na akin nang napuntahan. Kaya minabuti kong magtungo sa bahay ni Dan and I told him to prepare a piece of sunflower for me. It's my favorite flower at kapag nakita ni Martin na binigyan ako ni Dan ng bulaklak ay lalo siyang manghihinala.

I pressed the doorbell on Dan's gate at wala pang dalawampung segundo ay lumabas na siya ng bahay niya para pagbuksan ako. At first he hugged me na sinuklian ko naman ng yakap.

"He's watching us why clenching his jaw." Natatawang wika ni Dan kaya nakurot ko siya sa tagiliran. "Aray!" Bulalas niya habang natatawa kaya natawa rin ako.

"Don't look at him. Mahahalata niya tayo." Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago nginitian.

"Alright. My lady..." Parang tangang nangingiti niyang iniabot niya sa akin iyong sunflower na kaagad kong tinanggap. I smelled it and smiled at him. Ang ganda talaga ng bulaklak na ito! "Let's go?" Iminuwestra ni Dan ang daan papasok ng bahay niya nang biglang tumunog ang telepono ko kaya napahinto ako.

I quickly grabbed my phone inside my bag dahil baka mga business personnel ang tumatawag ay hindi ko masagot. Tsk. "Hello, Honey?" Pagsagot ko sa tawag ni Martin. Siya lang pala, akala ko kung sino na.

["Honey, where are you?"] Malambing na tanong niya sa kabilang linya.

I glared at Dan's face na ngayon ay natatawa sa akin. Tsk. "I'm in my office. Why?" Pagsisinungaling ko. At plano ko rin naman ito.

["A-ah, o-kay. S-sunduin kita mamaya."] Halata sa boses niya ang galit at panggigigil bago ako binabaan ng tawag.

"He's really mad, huh?" Natatawa at naiiling na komento ni Dan kaya agad ko siyang inakbayan at hinila papasok sa loob ng bakod ng bahay niya.

"I told you to stop looking at him!" Naiinis ng aniko bago nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay ni Dan. Pagbukas ko ng pintuan ay isang mukha ng pamilyar na babae ang hindi ko inaasahang makita rito.

What and why is she doing here?

"Ate Alira." Pagtawag sa akin ni Marian Soleil habang kumakain ng cookies na inihain sa kaniya ni Dan. Isang kunot-noo lamang ang iginawad ko sa kaniya bago nilingon si Dan. I looked at him with my questionable gaze's.

"What?" Patay malisyang komento niya kahit alam niya kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin ko. "Oh, come on! Sandra!" Natatawa at naiiling na aniya. "Don't look at me like that." Dagdag niya pa bago naupo sa sofa na kaharap ng inuupang sofa ni Marian Soliel.

"A-ah, ate Alira, w-walang malisya ang pagpunta ko rito sa bahay ni Daniel kung iyon ang iniisip mo." Pagdedepensa niya na ikinakibit balikat ko na lamang.

"Sabi mo eh." Komento ko.

"Wala nga!" Halos sabay na pagdedepensa nila kaya nagpalipat-lipat na lamang ang tingin ko sa kanila.

"Okay. Fine. Wala kung wala. Kung makapagdepensa naman kayong dalawa." I teased them na mas lalo ata nilang ikina-inis.

The Kiss Of SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon