Ang lugar namin, ang sinasabi na tapunan daw ng mga patay. Dahil liblib dito tahimik, at walang gaanong mga nakatira. Karamihan sa mga bahay dito ay magkakalayo village kumbaga magkakalayo ang mga bahay dito at malalaki, yung iba pa ay di gaanong naiilawan dahil wala yung ibang may ari ng bahay. Ang pagitan ng mga bahay dito ay damuhan at matataas na talahib kaya nila nasabing tapunan ito ng mga patay.
Ako si kristel at ito ang kwento ng aking karanasan.
Nagtatrabaho ako sa isang fastfood ala singko palang ng umaga ay umaalis na ako sa bahay dahil traffic. At alas dyis naman ng gabi ang aking uwi.
May isang babae na pumasok sa pinagtatrabahuan ko maganda ito maputi ngunit natatabunan ng itim na belo ang kanyang mukha. Siguro ay naglalaro ito sa edad na 25-30 taong gulang umupo lamang siya sa bandang dulo siguro ay may inaantay pinag masdan ko lamang siya dahil ang akala ko ay oorder siya.
Maya maya ay pumunta ako sa CR upang maghugas ng kamay, pagbalik ko sa pwesto ko kanina nagulat ako dahil wala na ang babae doon. Siguro ay dumating na ang inaantay niya.
Alas dyis na ng gabi pero madami parin ang kumakain dito, sumapit ang 11:40pm ay wala na ang nagsisikainan at unti unti ng nag si alis. Nag aayos na ako ng gamit dahil uuwi na ako, tatlo na lamang kami ang natitira dito dahil ang iba ay nag si uwian narin tinanong ko yung kasama ko kung may napansin siyang babae kanina bandang alas nuebe.
"Nakita moba yung babae kanina na pumasok dito? may takip yung mukha niya na itim na belo" tanong ko sakanya habang nag tatali ng buhok.
" wala naman bakit? sino bayun?" sagot naman niya.
"Ah wala " sabi ko nalang dahil baka hindi niya napansin
"sige una nako ha? malayo pa kasi ako eh ingat kayo" paalam ko sa dalawa kong kasama habang papalabas ng pinto
"Sige, ingat ka din. Lalo na masiyado ng gabi" ngumiti nalang ako sakanila at umalis na
Naglalakad na ako papunta sa sakayan pero wala pang dumadaan na jeep o kahit anong sasakyan papunta sa lugar namin.
May dumaan na isang jeep at may sakay na isang babae, ang babaeng iyon ang nakita ko na pumasok sa pinagtatrabahuan ko. Sumakay nalang ako dahil no choice na masiyado narin gabi para mag abang pa ng ibang sasakyan.
Doon ako umupo sa harapan, sa tabi ng driver seat dahil mag isa lang naman ako.
"Manong bayad ho" sabay abot kong barya kay manong driver
"ah manong, saan po ninyo ihahatid yung isa niyong pasahero?" tanong ko kay manong agad naman siyang napatingin saakin na parang nagtataka
"ano iha?" muling tanong saakin ni manong
"Yung pasahero niyo pong isa saan niyo po ihahatid? ayun oh yung nasa dulo malapit sa pinto" sabay turo sa kinaroroonan ng babae.
nakita kong nag sign of the cross si manong at ibinalik ang tingin sa harapan
"bakit ho? may mali po ba sa sinabe ko?"
"anong itsura ng babae iha? " tanong ni manong kahit na nagtataka ako ay sinagot ko parin ang tanong ni manong
" hmm, maputi po siguro mga 25+ ang edad, di ko po masiyadong makita ang mukha dahil may takip na belong itim eh"
nakita ko ang takot sa mukha ni manong, tinanong ko muli siya
"bakit po?" Nagsitaasan ang balahibo ko sa sumunod na sinabe ni manong
"jusko ... Ikaw lang ang nag iisang pasahero ko iha"
"Po? eh sino po yu---" napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin ako sa kinaroroonan ng babae kanina pero wala na ito doon.
" Yung babaeng sinasabe mo, siya yung babaeng natagpuang patay sa may talahib sa lugar niyo, hubad hubad ito ng madatnan ng mga pulis, nirape iyon nanlaban kaya pinalo ng bato sa ulo"
doon ako nakaramdam ng kilabot sa sinabe ni manong, nung nakaraang linggo ay may nabalitaan ako na babaeng nirape at doon malapit samin tinapon ang bangkay nito pero hindi ko alam ang itsura kaya hinayaan konalang.naka uwi na ako na puno padin ng pagtataka. simula ng insidenteng iyon, ay hindi na ako gaanong nag papaabot ng gabi sa pag uwi.
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*