Dalaw (TS)

3K 99 7
                                    


Nung buhay pa si daddy, nakasanayan na niya na sa tuwing hating gabi na siya uuwi eh,kakalampagin niya yung bintana, yung pinto kasi namin,katabi nun yung kwarto ko at bintana.

Dahil ako ang malapit sa pinto ako ang laging nagbubukas ng pinto sa madaling araw tuwing uuwi si daddy call center agent kasi siya kya madalas madaling araw ang uwi niya.

Im only 18 nung nawala si daddy dahil sa isang aksidente, dahil sa nag iisa lang akong anak kami nalang ni mommy ang naiwan.

Nung unang burol ni daddy,ako ang nag bantay mag damag hndi kopa rin matanggap eh.

Pero si mommy nagpapakatatag para sakin .
Last day ng burol ni dad umuwi ako para kumuha ng damit (hndi kasi sa bahay binurol si daddy)

Pag uwi ko sobrang dilim,so i-nopen ko yung lights sa sala at kwarto ko.
Pagpasok ko ng kwarto,picture namin ni daddy ang bumungad saakin,nakalagay sa side table. Umupo ako don then kinuha ko yung frame.

Sobra akong naiyak that time kasi hndi ko talaga matanggap.

"I miss you dad.. I-i love you.. Wag m-mo kaming papabayaan"

Para akong tanga na kinakausap ang picture pero nakaramdam ako ng konting lamig sa ulo ko. Mahilig kasi akong halikan ni daddy sa ulo.

Pagkakuha ko ng damit umalis na ako.
Kinabukasan libing na ni daddy.

(2weeks ang nakalipas)

Nagising ako dahil sa lakas ng kalampag sa bintana ko 2am palang yun napatingin ako. My tears starting to fall again.

Alam ko na siya yun

"D-dad naman eh. Hndi kana dito n-nakatira uwi kana sainyo,d-dalawin kita tomorrow okay? I -i miss you dad"

After that nawala yung ingay.

Dumating yung araw ng birth day ko. Debut kona. Ang daming plano ni dad para sa araw na to pero wala eh. Ganun talaga..

Pagkatapos ng masayang birth day nayun,dumeretso agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit,naghimalos para matanggal yung make up. Naiisip ko si dad that time kasi sabi niya siya ang first dance ko..

"D-daya mo dad" sambit ko sa hangin
"Akala ko nandito ka" Sabay sabay tumulo ang mga luha ko
"alam ko n-naman na hndi mo g-ginusto yan eh. Pero dad.." Huminga ako ng malalim at nag punad ng luha "H-hndi mo manlang ako b-binati kainis ka"

Hinalikan ko yung necklace na binigay niya sakin 2years ago then ngumiti maya maya pumasok si mommy sa kwarto ko may dalang malaking box.

"Galing kay daddy,buksan mo"
Pagkatapos nun lumabas na si mommy.

Binuksan ko yun at tatlong malalaking bear ang nandun isang iphone6 laptop at lahat ng chocolates na favorite ko nandun,pero isang maliit na puting papel ang pumukaw ng atensyon ko. Binuksan ko iyon.

"Hello princess.. Lapit ng 18th birthday mo ako dapat ang first dance mo okay.. Mahal na mahal ka namin ni mommy okay? tatandaan mo yan nak. Lahat ng chocolate nubos kona sa mall hahaha . Kainin mo yan lahat. I love you baby girl"

-Daddy mong pogi

Nakangiti ako habang umiiyak mukhang tanga nga eh.

"Kainis ka, dad n-naman eh! I love you too daddy" Narinig ko ang mahinang kalampag sa bintana ko at napangiti ako.

"Thank you dad"

----
End

From: Abhygail, Calamba laguna

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon