CR (true story)

3.2K 63 1
                                    

Edelyn's POV

6pm na nun,ng matapos kami
mag practice sa school kami nag practice kasi nandun yung mga gamit na kakaylanganin namin.

"samahan mo ako mag CR alyza " sabi ko sa kaklase ko nasa ground floor kami,at nasa 2nd floor naman ang cr sarado na kasi yung CR sa ground floor kaya napilitan akong umakyat dahil ihing ihi narin ako.

"lyn,dito nalang ako sa labas aantayin kita" sabi ni alyza sakin

"sige" sagot ko naman,at pumasok na sa unang cubicle. Habang umiihi ako narinig kong bumukas ang pinto ng pangalawang cubicle at nagsalita

"tapos kana?" sabi ng babaeng boses alam kong hndi si alyza yun kasi alam kong hndi ganun ang boses niya.
Hndi nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pag ihi.

"ang tagal mo naman" sabi ulit nung babae,tumayo na ako at nag suot "tapos na" sabi ko at lumabas ng cubicle

Pero ng lumabas ako nakita kong naka bukas lang ang pinto ng cubicle na pangalawa dahil sa takot ko ay tumakbo ako palabas.

"bakit edelyn? bakit ka natakbo?" sabi ni alyza hndi kona siya sinagot hinila ko nalang siya papunta sa ground floor.

ng makababa kami tsaka ko tinanong si alyza

"aly pumasok kaba sa loob ng cr ?"

"ha? malamang hndi pumunta ako sa kabilang room pinatay ko yung ilaw eh bakit ?"

"pero may nakita kang pumasok ?"
tanong ko ulit

"wala,nasa baba sila lahat tsaka kanina pa walang studyante diba bakit ba ?"

nagsimula ng mangilid ang mga luha ko dahil sa takot

"aly k-kasi may pumasok sa pangalawang cubicle tapos tinanong ako kung tapos nako alam kong h-hndi ikaw yun kasi malaki yung boses nung babae"

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon