Maligno (true Story)

6.3K 109 10
                                    

Laking maynila ako, isang beses palang ako nakakapunta ng probinsya.
Unang araw ng pag punta ko doon, may karanansan agad ako na naging dahilan para umuwi kami agad ng maynila.

Ako si abhy labing apat na taong gulang at eto ang kwento ko.

Napag desisyunan nila mama na pumunta ng probinsya dahil bakasyon naman,kaya isasama nila ako, dati kasi pag pumupunta sila don, naiiwan ako dito kasama yung yaya ko.

"anak, uuwi tayo probinsya bukas kila lolo mo, mag impake kana"  sabi sakin ni mama habang nag luluto ng hapunan namin

"okay ma" sagot ko nalang

---

alas kwatro palang ng madaling araw ginising na ako ni papa para maligo at kumaen, dahil baka ma traffic kami kaya maaga kami aalis.

" two weeks tayo don nak, damihan mo mga damit mong dadalhin"  sabi ni papa at lumabas na ng kwarto ko.

Naligo na ako at nag bihis pagkatapos ay bumaba na, nakita ko naman sila nag hahanda na para umalis .

Pumunta na ako sa kotse maya maya lang ay umalis nadin kami.

naka tulog ako sa biyahe dahil siguro sa maaga din ako nagising, tanghali na ng makarating kami kila lolo pag dating ko palang sa pinto nila agad kong nakita ang malaking gate at malaking bahay

"ma, eto ba yung bahay nila lolo at lola?" tanong ko kay mama 

"Oo anak, isa sila sa pinaka mayaman dito sa lugar nila." 

nagulat ako sa sinabi ni mama, mayaman pala ang lolo at lola ko, dahil siguro ngayon lang ako nakapunta dito kaya ngayon kona lang din nakita na ganto pala kalaki ang bahay nila

pumasok na kami sa loob, sinalubong agad kami ng mga katulong at mga bodyguard ni lola at lolo

madami silang katulong siguro lagpas 20 at ang mga bodyguard naman ay mahigit 30

ganun kayaman ang lolo ko, di ako makapaniwala sa nakikita ko lumabas si lolo at lola masiyadong magagara ang suot nila. 

"apo, ang laki laki muna" bati sakin ni lolo at si lola naman ay niyakap si mama at papa nag mano naman ako kay lolo at pumasok na kami sa loob para kumain.

----

"lo, ang laki naman ng bahay mo" bungad ko kay lolo dahil magkatabi kami sa hapag kainan.

"yan ang bunga ng pag sisipag apo, kaya ikaw mag sipag kadin kung gusto mo ng ganto" nagtawanan naman sila sa sinabi ni lolo.

Tumayo ako para mag CR nag paalam naman ako sakanila sinamahan ako ng isa sa mga katulong nila lolo. Si manang rosita

"manang, ang laki naman dito di ba kayo nahihirapan mag linis dito?" tatawa tawa kong tanong kay manang

"hindi naman, bukod sa madami kami malinis na dito dahil ayaw ng lolo mo ng maalikabok"

tumawa nalang ako sa sinabi ni manang pabalik na sana ako sa lamesa ng napadpad ang tingin ko sa hagdan nila, may lalaki doon na naka itim, tinawag ko pero hindi ito lumilingon, ang buong akala ko ay isa lang ito sa mga body guard ni lolo.  Pero nanindig ang mga balahibo ko ng makita ko ang mukha ng lalaki, mapupula ang mata nito at nakangiti na parang demonyo tumakbo na ako pabalik sa hapagkainan.

"manang samahan mo si abhy sa kwarto niya" utos ni lola kay manang rosita at dinala naman niya yung mga gamit ko habang sila papa naman ay nakikipag kwentuhan pa sakanila

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon