3:00 am (true story)

8.2K 149 23
                                    

Sabi nila alastres ng madaling araw daw naglalabasan ang mga spiritu.

Karanasan ito ng pinsan ko,itago na lamang natin sa pangalang milet.

May dalawang anak si milet, at ang asawa niya ay namamasada ng jeep.

Bagamat liblib ang lugar nila milet dahil sa probinsya sila nakatira, Hindi siya naniniwala sa kasabihan o pamahiin ng mga matatanda.

Ngunit isang araw, naranasan ni milet ang hindi niya ginugustong mangyari.

Nagising siya ng mag aalastres ng madaling araw dahil narinig niya ang mga pinggan nila na nag sisilaglagan kung kaya't bumangon siya upang tignan iyon.

Papalapit pa lamang siya sa kusina, humahampas na sakaniyang balat ang napaka lamig na hangin pero pinag sawalang bahala na lamang niya iyon.

Nagimbal siya sa kaniyang nakita, mga pinggan na basag at puro dugo ang kaniyang nadatnan, sa takot niya ay agad niyang tinawagan ang asawa, ngunit lalo siyang nanlamig sa kaniyang narinig sa kabilang linya.

"Patay na ang asawa mo!"

Isang malamig na boses ng babae ang kaniyang narinig at mala demonyong tawa na parang nag mumula sa ilalim ng lupa.

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon