Karamihan sa mga tinanong ko ng " saan ka mas natatakot? sa nakikita mo o sa naririnig mo?"
Lahat sila ang sagot, sa naririnig daw. Eh kayo sa kayo mas natatakot?
Kwento eto ng pinsan ko na itago na lamang natin sa pangalan na marisel
---
Galing si jesly sa probinsya, tatlong taon din ang lumipas mula ng bumalik siya dito sa manila unang araw niya dito sa manila mula ng mang galing siya sa probinsya humingi siya ng pabor sakin na samahan siya matulog sa bahay nila dahil nasa trabaho pa ang kaniyang nanay kaya't bukas pa ang uwi nito.
"sel, pwede samahan mo muna ako matulog dito? bukas pa kasi ang uwi ni inay"
Sa totoo lang ayoko sana, bukod sa malaki ang bahay nila tatlong taon ng walang tumira dito dalawang palapag ang bahay nila kung sakaling dito ako matutulog dadalawa lamang kami ni jesly ang tao dito at parehas pa kaming babae.
"Sige na sel kahit ngayon lang,wala talaga akong kasama dito"
"sige nanga basta ngayon lang ha?"
Pumayag na ako sa gusto niya dahil ngayon lang naman, dahil sa malapit lang ang bahay nila saamin, agad akong pinayagan ng aking ina.
Pasado alas nuwebe narin ng kumain kami ni jesly ng hapunan, habang kumakain kami bigla nalang nag kwento si jesly.
"Sel alam mo ba, sa probinsya namin gantong oras tulog na lahat ng tao"
napatigil ako sa pag kain ng sinabi niya iyon
"bakit naman ang aga?"
"kasi saamin, maraming pamahiin na dapat maaga palang ay tulog na dahil may aswang doon sa lugar namin" nakikinig lang ako sakaniya habang kumakain
"nung unang araw ko sa lugar namin,mag damag akong gising, hindi ako makatulog" nakakapag taka, doon siya lumaki dito lamang siya nag aral ng ilang taon,pero bakit parang hndi pa siya sanay na doon matulog?
"kase sabe ng lola ko, nag kwento siya bago ako matulog na may isang matanda daw doon na laging pagala gala tuwing gabi, at iyon ang aswang na sinasabi nila, dahil sa takot hindi ako nakatulog agad" natawa naman ako sa sinabi niya
"haha nag papaniwala ka sa aswang,tinatakot mo lang ang sarili mo jes" Nung sinabi ko iyon agad sumeryoso ang mukha ni jesly
"Pati dito may aswang" seryosong sabi niya sakin
agad akong napatayo sa kinauupuan ko at napa tabi sakaniya
humagalpak siya sa tawa
"oh akala koba hndi ka takot?" pagmamayabang naman niya
"ewan ko sayo ligpitin mo nayan at matulog na tayo"
tumayo na ako para mag hilamos patungo na ako sa CR ng may marinig akong isang tawa ng babae
"jes, anong pinagtatawanan mo?" tanong ko habang papasok na sa CR pero wala akong tanggap na sagot, kaya hinayaan ko na lamang.
"sel,pag tapos mo jan umakyat kana lang ah tas paki patay yung ilaw sa sala una na ako sa taas" sigaw ni jesly habang paakyat sa hagdan, hinayaan kona lang at nag punas na ako ng mukha. Pero naririnig ko parin ang tawa ng babae
"baliw na yung babaeng yun tawa parin ng tawa" bulong ko sa sarili ko habang patungo sa sala upang patayin ang ilaw pag akyat ko sa kwarto agad kong tinanong si jesly
"ano bang pinag tatawanan mo? kanina kapa tawa ng tawa" nakita ko sa mukha niya ang pagtataka at gulat sa sinabi ko
"huh? anong tawa? anong pinag tatawanan nananahimik lang ako dito at hndi ako tumawa anong sinasabi mo sel?"
nakaramdam ako ng kaunting takot pero mas pinili kong tapangan ang sarili ko
"ah wala baka sa kabilang bahay yun tara tulog na tayo" napa iling na lang si jesly
--
Hindi ako makatulog ng maayos, siguro sa tantya ko kada limang minuto lagi akong nagigising,parang may mga matang naka masid saakin kaya hndi ako makatulog ng maayos.
Isang malaking kabinet sa loob ng kwartong tinutulugan namin, ang umagaw ng atensyon ko.
Malaki ito at maganda, siguro may magagandang bagay ang naka tago sa loob nito.
Umupo ako sa kama, pansamantalang tinitigan ang kabinet gusto kong makita ang nasa loob nun,pero baka magising si jesly dahil maingay ang tunog ng kabinet kapag binubuksan ayun ang sabi saakin ni jesly kaya ayaw niyang buksan iyon. Isa pa sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niang buksan iyon, dahil ayaw din ng inay niya.
Wala namang masama kung saglit kong titignan iyon, may maliit na butas iyon sa may bandang pinto ng kabinet tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kabinet .
Sinilip ko ang butas,kulay pula lang ang tanging nakikita ko,wala namang kakaiba pero bakit ayaw nlang buksan iyon?
Napangiti ako sa nakita ko,kulay pula lang iyon pero nakaka aliw.
Pag katapos kong tignan iyon,bumalik na ako sa kama upang matulog.
---
Kinaumagahan,habang nag aalmusal kami ni jesly naisipan kong itanong ang kabinet.
"Jes, ang ganda nung kabinet sa kwarto mo,sayo ba yun?"
"Hindi,sa lola ko yun. Ayaw na ayaw niyang buksan iyon."
binalot ako ng pagtataka,ano bang meron sa kabinet na iyon?
"Ano bang meron don?" tanong ko pero agad gumapang ang takot sa katawan ko sa sumunod na sinabi ni jesly
"Yung special child na tita ko kase, dun mahilig mag tago, doon siya palagi sa tuwing pinapagalitan siya ni lola,pero alam mo yung nakakapag taka? ayaw ng lumabas doon ng tita ko kase natusok yung mata niya sa loob ng kabinet tapos isang araw nung binuksan iyon ng lola ko,puro dugo nalang yung tumambad sakaniya, bago mamatay yung tita ko, nag butas siya ng maliit don sa may pinto ng kabinet,doon siya palaging naka silip"
---
BINABASA MO ANG
True Horror stories
TerrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*