Mahilig akong mag basa ng horror stories, nakaka inspired kaya naisipan ko ding mag sulat.
sa hilig ko sa horror aware na sakin ang makaramdam ng kung ano ano o makakita. Kahit na mahilig ako sa horror, hindi padin ako sanay makakita o makaramdam nag simula akong makaramdam at makakita simula ng sumulat ako ng horror.
Alas otso ng gabi ng pumunta ako sa tindahan nila ate linda, para bumili. Habang hinihintay ko yung binibili ko. May naikwento sakin si ate linda tungkol sa mga bagay bagay na hindi nakikita ng karamihan.
Madalas daw siyang nakakaramdam ng kung ano ano sa tindahan nila pag siya lang mag isa. Pero hndi na lamang niya iyon pinapansin.
ng makuha kona ang bibilhin ko umuwi na ako bago ako makauwi dadaan muna ako sa isang iskinita na pababa na puro bakanteng lote at puro puno. Sanay na akong dumaan doon kaya wala lang saakin kahit na napaka dilim sa parteng yun.
habang naglalakad ako nag tetext ako, nagulat ako ng bigla akong may nakasalubong na lalaki sa gulat ko muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko.
"tsk! ayaw mag dahan dahan" Bulong ko habang naglalakad
Ng makalayo ako sandali akong tumingin sa likod ko nagulat nalang ako biglang nawala yung lalaki pero hindi naman ganon kabilis yung lakad niya.
Sa araw araw na pag daan ko doon, nasanay na ako sa mga ganung pangyayare.
Isang beses na pag daan ko doon pasado alas dose na iyon ng gabi, pumunta ako sa tindahan ni ate linda para puntahan ang dalawa kong kuya na bumibili tumakbo ako papunta dahil masiyado ng gabi at nagpapatay sindi ang street lights sa bandang yun. Di naman ako takot ayoko lang kasi bagalan yung lakad ko dahil baka hindi ko maabutan ang dalawa kong kuya.
Pag dating ko sa tindahan ni ate linda sarado na ito. At wala doon ang dalawa kong kuya
Naglakad na ako pabalik saamin pinagmasdan ko ang paligid, ako na lamang ang naglalakad, dahil masiyado nangang gabi, pero diko pinansin yun lalakad na sana ako pababa sa may iskinita nakita ko yung lalaki na lagi kong nasalubong nakita ko na papasok siya sa isang bakanteng lote. ang dilim doon hindi ba siya natatakot? Tinignan ko iyon pero hindi kona siya natanaw.
Naglalakad na ako sa may bandang gitna ng iskinita may malamig na hangin na dumadampi sa balat ko binilisan ko ang lakad ko ng mapadaan na ako sa bakanteng lote, nakikita ko sa gilid ng mata ko na parang may lalaking nakatayo sa pinto ng bakanteng lote tinignan ko iyon pero wala. Ang akala ko sila kuya lang na nantitrip.
"tago pa kayo eh "
Sabi kopa, madalas kasi silang makipag taguan saakin pero agad silang lumalabas pag alam nilang nakita kona sila. Pero nung oras na yun wala akong nakita na tao. Hindi nila ko bibiruin ng ganun dahil alam nilang malalim na ang gabi.
Naglakad nalang ulit ako at namatay ulit yung mga ilaw, hinayaan kona lang. Nakaramdam ako ng kilabot ng maramdaman kong parang may nakatingin sakin, tumingin ako sa bakanteng lote nakita ko na may anino doon. Tumakbo na ako at ng makarating ako sa bahay nakita ko agad sila kuya.
"Saan ba kayo galing? hinanap ko kayo eh!"
tanong ko na medyo hinihingal pa. Pero Lalo akong kinilabutan ng may sinabe sakin ang kuya ko
"Pumunta lang kame sa kabila ikaw san ka galing? oy ikaw wag ka ng lalabas ng gantong oras ha. Dito kana lang sa bahay, may natagpuang patay na lalaki sa may malapit sa elementary school sige ka hinoldap daw yun, kaya ikaw wag ka ng lalabas. Yung hinoldap dun nakaira sa unit sa may malapit kila ate linda na ngayon bakanteng lote nalang adik daw yun kaya pinatay."
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*