Laki akong manila, siguro sa isang taon isang beses lang ako pumunta ng probinsiya.
At dahil bakasyon na ngayun,pinayagan ako ng mommy ko na sumama sakanila sa province namin sa quezon.
--Mag aalasais na kami nakarating sa quezon,agad akong sinalubong ng aking mga pinsan
na si ate mitch,kuya joshua,carlo,maica at jay."laki muna camille ah!" bati saakin ni kuya joshua habang ginugulo ang buhok ko.
nagtawanan naman sila.
kumain kami ng hapunan at sandaling pahinga,maya maya lang ay nag ka yayaan sila na lumabas.
"mille tara labas tayo! ghost haunting tayo!" yaya nila saakin,hndi naman ako ganun katakot,kaya sumama ako.
Tumakas kami sa mga magulang namin,lumabas kami ng walang paalam.
"baka hanapin tayo nila daddy at nila tita" sabi ko habang naglalakad kami
"hndi yan,saglit lang naman tayo eh"
sagot ni maicasi jay,maica kuya josh at carlo lang ang sumama,dahil si ate rosell ay nagluluto kaya hndi sumama.
Habang nag lalakad kami,biglang namatay ang street lights kaya nagtakbuhan kami
"o.a niyo!" sigaw kopa habang nagtatawanan kami.
"tara dun tayo sa hospital! sigaw ni kuya josh.
Nagtakbuhan kami papunta doon,dahil sa dilim,tanging mga flashlight lang ang nagsisilbi naming ilaw habang naglalakad.
Ng marating namin ang abandonadong hospital,malamig na hangin agad ang sumalubong saakin pero binalewala ko iyon.
"tara" sigaw ni kuya josh kami ni carlo ang magkadikit dahil nakahawak ako sa braso niya,si kuya josh maica at jay naman ay nasa likod namin.
nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin, sobrang dilim dahil siguro matagal na itong hndi ginagamit.
habang naglalakad kami napadaan kami sa isang room, medyo bukas ang pinto kaya napatingin ako.
Humampas ulit ang malamig na hangin saaking balat kaya napahawak ako sa braso ko.
"uy tara na ayoko na" sabi ni carlo kaya napatawa ng malakas sila kuya josh at jay.
"eto naman wala panga eh" sagot ni jay.
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng mapadako kami sa ikalawang palapag,bumibigat na ang pakiramdam ko,kaya nanatili lang akong tahimik.Pag karating namin sa ikalawang palapag, may kumalabog sa baba kaya nagtakbuhan kami.
"tara na kasi ta*ng *na naman eh natatakot nako tanga!" reklamo ni carlo pero tumawa lang sila.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad,bawat madadaanan namin na rooms,ay tinututukan namin ng flashlight.
Nasa unahan nanamin sila kuya josh
nagtatawanan pa sila. Sandali kaming nagpahinga sa upuan na nadaanan namin"puta wala naman eh! ang corny naman ng hospital nato" reklamo ni kuya josh
"uwi na tayo kuya tara na baka hinahanap na tayo" yaya ko,tumayo ako at naglakad kasama si carlo, sumunod naman sila saamin
Ng mapadaan kami sa isang room,tinutok ni kuya josh ang flashlight doon,pero napasigaw siya sa nakita niya
"p*ta*g *na! "
napatingin kami sakaniya na nagtatakbo papunta saamin
Kumalabog ang pinto na tinutukan ni kuya josh ng ilaw kaya napatakbo kami pababahingal na hingal kaming huminto sa may pinto
"bakit k-kuya ano bayun?" tanong ko
"m-may n-nakita akong babae d-dun nakaputi ayoko na d-dito tara na"
tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya
nakarinig nanaman kami ng kalabog,this time parang malapit na saamin ang ingay na iyon kaya napatakbo kami palabas.Takbo lng kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa bahay
"anak san ba kayo galing ha?! kanina pa kami nag aalala sainyo" sabi ng daddy ko pero hndi kami makasagot dahil binabalot parin kami ng takot
"nag ghost haunting nanaman kayo? kaylan ba kayo titigil ha? delekado yang ginagawa niyo!" sabi ni ate rosell
pumasok kami sa loob,habang balot parin ng takot.
Simula ng gabing iyon,hndi na namin ulit binalak na magpunta sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*