Beth's POV
Simula ng lumipat kami ng bahay dito sa manila nagbago ang buhay ko ng anak at asawa ko,noon kasi nasa probinsiya kami sa bicol hndi kami matahimik dahil sa mga kaluluwa na pilit nanghihingi ng tulong saamin asawa ko.
Parehas kaming nakakakita ng mga bagay na hndi pangkaraniwang siguro nga ay mamamana rin ito ng anak namin.
Naaalala ko pa nun siguro 2months ago
Nasa probinsiya pa kami
2am narin yun nagising ako dahil sa katok sa bintana at tinatawag ang pangalan ko,ang buong akala noon ay ang kapit bahay namin na si marinel mahilig kasi siyang pumunta dito sa bahay pero ang pinagtataka ko ay alasdos ng madaling araw palang para pumunta siya dito.Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng aking asawa.
"huwag mong bubuksan ang pinto mang gugulo lang yan" dahil sa sinabi ng asawa ko muli akong bumalik sa pagkakatulog ko.
Ilang araw lang ang lumipas muli nanaman akong nagising ng madaling araw.
Wala pa ang asawa ko dahil birthday ng katrabaho niya kaya kami lang ng anak ko ang nasa bahay.Nagising ako dahil may kumakatok nanaman sa bintana at napakalakas non kaya nagising din pati ang anak ko.
Dumilat ako at tumingin sa kanan kung nasaan ang bintana isang babaeng nanlilisik ang mata at puro dugo ang nakita ko may sinasabi siya pero walang boses palakas ng palakas ang katok niya pumikit ako niyakap ko ang anak ko at nagdasal maya maya ay nawala ang ingay.
Hndi sila namimili ng oras umaga tanghali hapon o mapagabi man ay nanjan sila.
Isang araw 12 yun ng tanghali pagkatapos kong ihatid sa skwelahan ang anak ko ay umuwi ako kaagad para makapag linis ng bahay ang asawa ko naman ay pumasok sa trabaho.
Nasa kwarto ako nagtutupi ng mga damit bigla na lamang may dumaan na maputing babae sa tapat ng pinto tinawag kopa dahil akala ko ang pamangkin ko pero ng tawagan ko ang kapatid ko ay nasa skwelahan daw ang anak niya.
Binalewala ko nalamang.
Pagkatapos kong magtupi ay naghugas na ako ng plato at nagwalis.
Pagdating ko sa sala bigla na lamang bumukas ang T.V pero ako lang mag isa sa bahay kaya kinilabutan ako.Lumabas ako ng bahay at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko.
Ilan lang yan sa mga naranasan ko sa probinsya kaya napagpasiyahan kong lumipat dito sa manila para matahimik na kami.
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*