Karanasan ito ng kaibigan kong si joyce sa bahay ng aming kaibigan.
nangyare ito noong september 12,2014.
brown out ng gabing iyon lahat ay busy sa pag gawa ng loombands
at nagtatawanan ang lahat at may kaniya kaniyang ginagawa merong nag kukwentuhan, natutulog, nagkakantahan at iba pa.inabot sila ng alas dose ng gabi, at di namalayan ang oras dahil sa dami ng kanilang ginagawa
at ng bigla tumingin si joyce sa bintana, at bigla itong natulala. Na tila ba parang may nakitang kakaiba.at bigla siyang sumigaw
"teka lang guys!"
at sumagot naman ang mga kasama niya
"anong nangyare joyce? may nakita ka bang kakaiba?"nag salita si jansen isa sa mga kasama niya
"anong nakita mo?"
at sinabi ni joyce na may nakita siyang tila lalaking naka puti, at may katangkaran at walang ulo sa labas ng bintananagtawanan naman ang mga kasama niya
na animoy akala nila ay nag bibiro si joyce.
--Lumipas ang tatlong araw ay tila ba parang lagi nalang naka tulala si joyce,
nilagnat ito na halos tumagal ng isang linggo .
Nagpasiya ang kaniyang mga magulang na dalhin ito sa albularyo at ipatawas.
Nakita ng magtatawas na, isang lalaking naka puti na walang ulo.
At natuklasan na ang lalaking ito ay, nawawala ng mahigit tatlong araw na, at nadiskubre nila na ito ay sinalvage sa isang liblib na lugar na malapit sa bahay nila joyce.Sinabi ni joyce sa kaniyang mga kasama na ang lalaking nagpapakita sakaniya, ay yung lalaking sinalvage sa kanilang lugar.
at doon naniwala ang kaniyang mga kasama sa sinapit na kababalaghan ng kanilang kaibigan.-----
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*