Aswang (true story)

8.2K 138 9
                                    

Na ikwento lang sakin ito nung kapit bahay namin, naisipan kong isulat para maishare sainyo. Hope you like it.

---

Kilala si kuya jomar sa lugar namin, dahil siya ang may pinaka malaking tindahan doon, mabait si kuya jomar lahat ng bumibili sakanya ay kinakaibigan niya.

May isa siyang anak, at ang asawa naman niya na itago na lamang natin sa pangalang ate linda ang nagbabantay ng tindahan dumating ang kapatid ng asawa niya kasama ang anak nito na isang taong gulang pa lamang.

tuwing bumibili ako sakanila, ang pamangkin ni ate linda ang kinaaliwan ko doon habang nag hihintay. Ang kulit kulit ng batang iyon at talagang nakakaaliw dahil sa sobrang cute niya.

Hapon iyon at naglalaro ang batang makulit sa tapat ng tindahan kasama si ate linda. Habang busy sila sa paglalaro may isang matandang babae na biglang sumulpot sa likod ni ate linda na nasa edad na 50+ anyos na iyon.

"Ang cute naman ng batang iyan"

Puri ng matanda sa bata. Ang matandang iyon ang pinaka kinatatakutan sa lugar namin, dahil sa chismis na isa daw itong aswang. Pero hindi ako naniwala doon dahil wala namang ibidensya.

"hahaha oo nga ho eh ang kulit kulit pa"

Matalim ang titig ng matanda sa bata dahilan ito para umiyak ang bata.

pinasok ni ate linda sa loob ang bata at tumigil naman ito sa pag iyak.

kinagabihan mag sasara na sana si ate linda at kuya jomar ng tindahan dahil pasado alasdose nadin ng gabi iyon. Nagulat sila dahil nakita nila ang matandang babae na naglalakad sa tapat ng tindahan.

"Iyon yung matanda oh. Gabi na pero nasa labas padin siya"

Sabi ni ate linda sa kanyang asawa

"Ha? saan? wala namang matanda diyan eh"

Kahit na naguguluhan si ate linda ay hindi na lamang niya iyon pinansin at isinara nalang ang tindahan.

--

Alauna na ng madaling araw, matutulog na sana sila pero nagpapalahaw sa iyak ang bata. Ang akala ng kaniyang ina ay naiinitan lamang kaya pinalipat ni ate linda ang mag ina sa kanilang kwarto dahil may aircon doon.

Pero hindi parin tumitigil sa pag iyak ang bata inilabas iyon ng kaniyang ina sa tapat ng bahay sa may terrace pero lalong lumakas ang iyak. Muli nilang pinasok sa loob ang bata ayaw parin talaga tumigil sa pag iyak.

Hindi na alam nila ate linda at kuya jomar maging ang ina ng bata ang gagawin dahil ayaw parin tumigil ng bata sa pag iyak. Hindi iyon simpleng iyak, Iyak iyon na para bang takot na takot.

Pinag masdan nila ang bata nakatakip ang isang kamay nito sa kanyang mukha at ang isang kamay naman ay tila parang nangangapa. Namumutla na ang bata dahil sa kakaiyak

Pati ang kaniyang ina ay gusto naring umiyak dahil sa awa sa bata.

Narinig ni ate linda ang gripo na bumukas sa likod ng bahay nila pinuntahan niya ito pero nangilabot siya ng makita niya na mahigpit na nakasara ang gripo. Bumalik siya sa kwarto kung nasaan ang bata at ang asawa niya.

Laking gulat nila ng biglang pumutok ang ilaw nila at umusok. Sa pagkakataong iyon alam ni ate linda na inaaswang ang bata.

Nag saboy ng asin si ate linda sa buong kabahayan nila at doon tumigil sa pag iyak ang bata.

Alasais na ng umaga pero hanggang ngayon binabantayan parin nila ang bata dahil sa takot na baka kunin ito.

---

Sabi ng lolo ko sakin, pag nagustuhan ng aswang ang isang bata gagawin niya ang lahat para makuha iyon. Nabuntis ang asawa ng kuya ko pero hindi siya inaswang, dahil may pangontra siya at lagi siyang nag lalagay sa asin sa bintana at pinto nila.

pero pag nakuha nila ang bata mamamatay iyon at ang katawan naman ng bata ay mapapalitan ng katawan ng saging, pero ganun at ganun parin ang itsura. Itusrang bata padin.

Pag inaswang daw ang isang tao, kunin ang buntot ng pagi at ihampas ito sa aswang. Dahil yun daw ang pinaka mabisa na paraan para mamatay ang aswang, unti unti itong magkakasakit at tuluyang mamamatay.

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon