Alas dyis na ng gabi ng makalabas ako ng unibersidad na aking pinapasukan.
Nasa tapat lang ako ng campus namin dahil nag aabang ako ng jeep papunta saamin.
siguro ay 20mins akong nag hintay maya maya lang ay may dumaan na.
sa pinaka dulo ako umupo sa likod ng driver para mas maabot ko ang bayad ko, tpos ang isang babae naman ay nandun malapit sa pinto at ang isa ay nasa pinaka dulo.Ng inabot ng babae ang bayad niya saakin ay napatingin ako sa babae na nasa pinaka dulo.
Walang imik at nakatingin lang sa baba.
Kahit na nagtataka ako ay hndi ko na lamang pinansin."saang school ka iha?"sabi ng driver kaya napatingin ako.
"ahh sa ******* school po manong" tumango tango lang ang driver
"kilala mo ba si Josephine Alvarez?'
sa tanong na iyon agad akong natigilan
kilala niya si josephine?"opo familiar po siya pero hndi ko siya ganun kadalas nakikita "
Nalungkot ang mukha ng driver kaya tinanong ko muli.
"bakit ho?"
"araw araw saakin sumasakay ang batang iyon,napaka masiyahin non,napaka bait pa,minsan nga ayaw ko ng bayaran niya ang pamasahe pero makulit,magbabayad at magbabayad pa ulit siya para daw may kita ako " tatawa tawa si manong driver habang nag kukwento,matagal na pala niyang kilala si josephine?
Si josephine yung call center na pinatay katabi ng skwelahan na pinapasukan ko,di kami ganun ka close,pero palagi niya akong nginingitian, mabait siya at palakaibigan,pinatay siya dahil sa inggit,mayaman kasi siya at maganda kaya siguro siya pinatay.
"kaya sobrang nalungkot ako nung nabalitaan kong namatay siya, wala na tuloy akong kakwentuhan"
"wag kayo mag alala manong magiging masaya din siya,kasi alam niyang nag aalala padin kayo sakaniya kahit wala na siya,oh pano manong dito nalang ho ako ha? mag iingat po kayo"
sabi ko bago bumaba
"osige iha,gagarahe nadin ako wala nadin namang pasahero dahil gabi na"
natigilan ako sa sinabi ni manong,tumingin ako sakaniya at muling nagtanong"ho? eh may isa pa po kayong pasahero eh "
Tumingin siya saakin,at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya
"ano iha? ikaw nalang ang pasahero ko" tumingin ako sa kinaroroonan ng babae,wala na ito doon kaya agad akong binalot ng takot.
bago ako bumaba narinig kong nag salita si manong na agad nagpabalot saakin ng takot.
"ikaw talaga josephine,tinatakot mo kami ah,magpahinga kana"
---
RIP josephine alvarez
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*