Dorm(TS)

3.1K 63 1
                                    

This story is about my closefriend,pangalanan nalang natin siyang lizette.

Second year college na si lizette,nagkakilala kami kasi madalas akong napapadaan sa dorm niya malapit sa school,tapat kase ng dorm niya is,paradahan ng tricycle,kaya lagi akong dumadaan doon.

One night,nagkasabay kami sa paglalakad,dahil classmate ko siya sa isang subj. Nagkakasama na din kami before.

"Uy joyce,san ka pupunta?" tanong niya ng makalabas kami ng campus.

"Jaan,mag aabang ng tricycle, pauwi na din. Eh ikaw ? diba sa tapat lang nun yung dorm mo?" tanong ko,umiling iling lang siya sabay tawa.


"Naku,hndi na mag iisang linggo na akong umalis jan"

"Ha? bakit naman? ayaw moba nun,malapit lang sa school, hndi na kaylangan mamasahe sayang din yun noh"
pagbibiro ko pa.

"Kakaiba yang dorm nayan eh. hahaha" Napaka lakas naman ng tawa niya -.-

"Madalas kasi,ako lang ang naiiwan jan at yung taga pamahala,minsan kasi hndi umuuwi yung mga ka dormate ko."

Pagpapaliwanag niya,habang nakatayo kami sa paradahan at nag aabang ng tricycle na hihinto..

"Minsan,kapag nagigising ako ng madaling araw jan? pakiramdam ko,hndi lang ako yung nag iisang nakahiga sa kama ko. Minsan din may humihila ng kumot ko sa gabi,imposible namang ka dormate ko yun,eh puro kami babae jan"

Napa kunot noo naman ako.
Pero kung titignan mo sa labas ng dorm,masasabi mong maganda ang loob.

"Nung last na tulog ko jan,bago ako lumipat,para na akong aatakihin sa puso sa sobrang takot"

Nakita ko ang takot sakaniyang mukha habang nag kukwento,kaya lalo akong nainteresado sa kwento niya.

"Ako lang mag isa nun,kasi hndi pa dumadating yung mga kasamahan ko,hndi talaga ako makatulog that time,kaya naisipan kong mag facebook muna, siguro pasado ala una nadin ng dalawin ako ng antok,wala pa atang 30min. Akong nakaka idlip eh,nagising nanaman ako. Naka deretso ako ng higa nun,then ng tumagilid ako sa kanan ko,may lalaki akong katabi tapos sobrang itim ng mukha niya at namumulang mata,nag dasal lang ako ng nagdasal hanggang sa nawala na siya. Kinabuksan nagpahanap agad ako ng pwedeng lipatan kasi hndi kona kinakaya sa dorm nayan eh. Nakaka tawa nga eh,kase yung iba nakakatagal jan"

Kinilabutan ako sa narinig ko,nung una pa naman ay balak ko sana na dto din mag dorm para malapit sa pinapasukan ko,pero dahil sa nalaman ko,malabo na ata. hehe.

Ng napatingin siya sa gawi ng bintana ng dati niyang dorm agad niya akong hinila palayo doon,agad ko naman iyo'ng kinabigla.

"Tara na,nakatingin na naman siya"

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon