Etong storya nato,naikwento lang sakin isa sa mga kaibigan ko.
Nung una hndi ako naniwala dahil hndi talaga ako naniniwala hanggat hndi nararanasan o nakikita.
Pero etong storya na ito ang nakapag pabago ng aking paniniwala.Here the story
---Ako si shirley Bumisita ako sa bahay ng aking kaibigan upang siya ay kamustahin pati narin ang anak niyang may sakit.
"kamusta na ang anak mo mare ?"
tanong ko sa kaibigan ko,hndi naman ganun kalayo mula samin kaya madali lang itong puntahan."eto may sakit mag iisang linggo na,dinala ko sa hospital pero lagnat lang daw kaya inuwi kona agad,dito ko nalang pagagalingin sa bahay baka kapusin kami eh"
sagot niya. Nakita ko ang anak niya na nakahiga sa kwarto,pumayat ito dahil hndi daw nag kakakain masiyado."Ang payat na ng anak mo"
nagtataka ako,dahil kapag nagkakasakit naman iyon noon,ay hndi umaabot sa apat na araw at walang pagbabago sa katawan. Pero ngayun bumagsak ang katawan ng bata."Oo nga eh,pero sabi ng doktor lagnat lang daw. Nahihirapan na akong makita na ganyan si mikay "
maluha luhang sabi ni shirley.
Nakaka awa ang batang iyon,kaya naisipan kong papuntahin ang tito ko na isang albularyo,baka sakaling may makita siyang dahilan kung bakit isang linggo na ang lagnat ng bata.****
"naku iha"
Laking gulat ng tito ko pagkatapos itawas ang bata."Bakit ho tito ?"
Tanong ko dito habang naguguluhan padin"may isang duwendeng gustong gusto makuha ang anak mo" umiling iling siya "Jusko ... Nakakaawa ang bata kung sakaling hndi niyo agad naidala saakin ito" pagpapatuloy niya pa.
"Sus maryosep!" Gulat ni shirley na halata mo na takot na takot agad niyang pinuntahan ang anak sa kwarto at laking gulat namin ng sumigaw siya
"Anak ko! anak anong nangyayari saiyo!" nagtungo ako kung nasaan sila. Nangilabot ako ng makita ko ang bata,na halos mag violet na ang labi at tumitirik ang mata
"Dalhin ang bata dito!" utos ni tito na isang albularyo
"Umalis ka sa katawan ng batang ito!" sigaw ni tito habang nagdadasal
pero lalo pang tumirik ang mata ng bata at sa puntong ito mas lalong lumamig ang paligid kasabay ang sambit ng bata na animoy boses ng malaking tao"akin ang batang ito!"
"Walang nararapat na mapa saiyo! maawa ka sa batang ito hndi siya saiyo!"
nagsimula ng umiyak si shirley at pati ako ay hndi narin alam ang gagawin
maya maya pa ay,tumigil na sa pagka tirik ang mata ng bata,at bumalik sa dating kulay ang kaniyang labi agad na niyakap ito ng kaniyang ina
"Mama" sambit ng bata na dahilan para maiyak narin ako kasabay ni shirley
"Jusko salamat" sambit ko
inabutan ni shirley ng pera ang aking tito upang bayad raw sa pag papagaling sa kaniyang anak
"Masiyadong malaki ito,wag mo na akong bayaran" tanggi pa ni tito
"tanggapin niyo na ho,kulang pa ho yan para sa pagligtas niyo sa buhay ng anak ko"
"sa susunod wag niyo ng hahayaang maglaro ang bata jan sa may malaking puno,baka mangyari ulit to. Mag alay kayo ng puting manok jan sa puno bukas ng umaga"
****
end
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*