Kinuwento lang sakin to ng papa ko, laking probinsya sila ni mama kaya sanay na sila sa mga aswang,multo etc o kahit anong pagpaparamdam pa isang pangyayari lang ang nakapag pabago sa paniniwala ng papa ko dahil sa naranasan niya sa probinsya nila.
Here the story
Sa ilo ilo sila naka tira, ang bahay nila doon, kubo yung itsura pero medyo may kalakihan at may 2nd floor. Ang hagdan nila ay kahoy.
Alas dose na ng madaling araw kaya naisipan na ni papa matulog siyam silang magkakapatid pero lima lang sila ang magkakasama sa iisang bahay dahil yung apat ay may sarili ng mga pamilya kasama niya ang kanyang nanay dahil bata palang siya namatay na yung papa niya.
Sa sala natutulog si papa dahil malamig daw doon, sa itaas naman ang kanyang tatlong kapatid at sa baba natutulog doon yung kanyang bunsong kapatid at kanyang ina.
naglatag na siya ng banig dahil nga probinsya, wala pang kuryente noon kaya kandila lang ang gamit nila. habang nag lalatag daw siya ng banig, may narinig siyang babaeng umiiyak, ang akala niya ay kaniyang ina dahil naaalala ang kaniyang ama kaya hndi na lamang niya pinansin iyon dahil baka gusto ng nanay niya na mapag isa muna.
Sinimulan na niyang matulog pero nagising daw siya ng alas dos ng madaling araw dahil sa lamig na kaniyang nararamdaman nag ligpit na siya ng higaan niya para lumipat sa taas kung nasaan ang kaniyang tatlong kapatid. Habang naglalakad siya papunta sa hagdan narinig nanaman niya muli yung iyak ng babae, sa puntong iyon nagtaka na siya dahil kanina pa niya naririnig ang iyak na iyon kaya sinilip niya yung nanay niya sa kwarto laking gulat niya ng makita niya ang kaniyang ina na mahimbing na natutulog.
di niya pinansin ang iyak na iyon binilisan na lamang niya yung lakad niya at ng sa may hagdan na siya tumakbo siya paakyat pero narinig niya muli ang iyak na iyon at sa puntong iyon, parang may naglalakad na sa may hagdan na parang may kadenang naka lagay sa paa dahil sa ingay napatingin siya sa hagdan kinilabutan siya sa nakita niya, babaeng naka puti naglalakad paakyat sa kinaroroonan niya at may kadenang naka lagay sa paa. Dahil sa takot ay dali dali siyang tumakbo papunta sa kwarto ng mga kapatid niya.
Nabagsak niya yung pinto kaya nagising yung kapatid niyang isa.
"ano bang nangyayari sayo ha? para kang tanga jan anong oras na nagtatatakbo kapa!"
sermon sakaniya ng kapatid niya na dalawang taon ang tanda sakaniya hindi na lamang niya sinabi ang nakita iya dahil baka hindi siya paniwalaan, kaya pinili na lamang niya na matulog. At ipag pabukas nalang iyon.
BINABASA MO ANG
True Horror stories
HorrorYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*