Doppel ganger(TS)

3K 79 3
                                    

Share ko lang po itong kwento ko,naranasan ko po ito nung

October 22 yun,diko nalang sasabihin kung anong taon.

Gabi yun,siguro around 10pm
Nasa bahay kami ng tita ko lahat kami ng mga pinsan ko kasi birthday ni tito (asawa ng tita ko)

Nagtatawanan kami ng mga pinsan ko nun, nasa terrace kami habang yung mga tito/tita ko nag iinuman malapit lang din samin.
Kaming mga mag pipinsan na sila
Ate mitch,kuya joel,raynan,evan,jomarie,bernard at dianne
Ay kumakain lang ng chichirya at nagtatawanan kasi lasing na yung isa naming tito. (Daddy ni kuya joel)

Then eto na, Nag yaya si bernard na manuod nalang ng movie sa taas sa kwarto.
Syempre game kaming lahat,ako ang unang nag suggest na manuod ng horror,game naman silang lahat,pero si dianne ayaw niya kasi natatakot daw siya. So sinabi namin na magpaiwan nalang siya dto sa baba pero ayaw niya gusto niya padin sumama samin.

Nasa taas na kami, ng makapili na ako ng papanuorin, dun namin pinili manuod sa kwarto na walang natutulog kasi maluwag dun at malaki ang tv. kaniya kaniya na silang pwesto yung iba nasa kama naka talukbong na agad yung iba naman nasa upuan naka takip ng unan. (hahahahah) si kuya joel,bernard at raynan ay nasa baba ng kama (Yung sa may paanan) tapos si dianne at evan katabi ko na nasa tapat ng tv si ate mitch at jomarie naman nasa taas ng kama naka higa si jomarie tulog na yata hahaha,at si ate mitch naman nakaupo lang.

Ng nasa kalagitnaan na kami ng panunuod,biglang tumayo si ate mitch iihi daw,pero matatapos na yung movie hndi padin siya bumabalik.

"jane tignan mo nga si mitch dun baka natutulog na sa cr " Nagtawanan naman kami sa sinabi ni kuya joel

"Bakit niyo ko hinahanap?" nagulat nalang kami ng biglang nagsalita si ate mitch sa likuran namin

"Ha? Eh diba nag cr ka ?"

tanong ko

"Anong nag cr ? Eh nakatulog nanga ako dito eh"

Sabay sabay kaming nagtakbuhan sa baba dahil sa sobrang takot.

Pababa na kami ng hagdan ng may mapansin akong babae na naka pink sa may cr (malapit sa hagdan)

"si ate mitch yun diba?" sigaw ko kaya agad silang napatingin sa may cr pero lalo lang naming binilisan yung mga takbo namin.

Si dianne umiiyak na habang kaming lahat namumutla na.

"Ano bang nangyayare sainyo ang iingay niyo!" sabi samin ng mommy ko

"Tita kasi p-po si a-ate mitch nagpaalam k-kanina na mag ccr tapos n-nung magkakalahating oras na bigla siyang nagsalita sa l-likod namin na hndi naman daw siya n-nag cr"

Paliwanag ni bernard.

"tapos m-mommy nakita ko si a-ate mitch pumasok n-ng cr nung nagtatakbuhan n-na kami pababa ng h-hagdan pero h-hndi pwede mangyare yun k-kasi nasa tapat ko si a-ate mitch tumatakbo"

Nagsimula na akong umiyak pati narin si ate mitch dahil sa sobrang takot

Yung mga nag iinuman napatigil sa pag iinom dahil nag iiyakan na kami.

"Anong nangyare sainyo bat ang puputla niyo?" tanong ng tita ko (May ari ng bahay)

then kinwento ng mommy ko yung nangyare

"Mitch mag palit ka ng damit lahat yan susunugin natin bilisan mo" utos ng tita ko kaya agad nagbihis si ate mitch pagkatapos ay sinunog niya iyon.

"Mommy bakit sinunog yun?"

"mga anak ganto yan,kapag ang isang tao nakita niyo na may kamukha dapat sunugin agad yung damit kasi may mapapahamak"

Paliwanag ng tita ko

"At sinabi kona sainyo diba? na walang papasok sa kwartong yun!"

Ayaw kasi ng tita ko na may papasok pa doon,kwarto iyon ng anak niyang namatay 4years ago dahil sa isang sakit, siguro daw ay nagparamdam saamin si ate rose (Anak ni tita na namatay)

Simula ng araw na iyon,hndi na kami pumasok sa kwarto nayun,at nanuod ng horror sa hating gabi.

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon