Lumang bahay (truestory)

3.4K 70 3
                                    


Renzo's POV

Pauwi na ako galing sa practice ng sayaw namin.

"pre dito nalang ako,dito na yung bahay ko,sige ingat jan may nanghahabol jan"
sabi ng kasama ko habang tatawa tawa pa.

"gago " sabi ko, nalang at tumawa,hanggang sa nag kalayo na kami ng kasama ko

Naka earphone ako habang nag lalakad,alas otso narin kasi ng gabi kaya nagmamadali na akong umuwi dahil gutom nadin ako.

Habang naglalakad ako,wala akong marinig dahil sa lakas ng soundtrip ko
pero isang lata ang nagtapon sa harapan ko.

Tinanggal ko ang earphone ko at napatingin sa kanan ko.
Isang lumang bahay ang nakita ko,malaking gate at napaka dilim sa gawing iyon sandali ko itong tinignan aminado ako na tumataas ang mga balahibo ko dahil napaka dilim talaga sa parteng iyon,isang lata nanaman ang tumama sa paa ko, sa inis ko ay sinipa ko ang lata na iyon at muling tumingin sa lumang bahay.

Isang matandang babae ang lumabas sa pinto ng lumang bahay,sabi nila iyon raw ang taga bantay ng bahay.

"magandang gabi ho"
bati ko sa matanda habang nakangiti,pero habang papalapit ng papalapit ang matanda sa kinatatayuan ko,isang malamig na hangin ang yumakap saakin.

"kayo po ba ang nakatira jan?" tanong ko sa matanda pero ng tumingin siya saakin ay laking kilabot ang namalot saakin.

Itim na itim ang mata ng matanda at gulo gulo ang buhok.
Sa takot ko ay napaatras ako.

Pero ng pag atras ko,bigla akong naka apak ng isang lata.



Lata na sinipa ko kanina palayo saakin.

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon