Kuya

819 10 1
                                    

Dalawa lang kami magkapatid ng kuya ko sobrang close kami. Palaging wala parents namin dahil sa business,kaya kami lang ang madalas maiwan sa bahay kasama ng dalawa naming katulong.

Nanunuod ako sa sala ng tumabi si kuya at umakbay

Kuya: be pag namatay bako,magtitino kana? I mean magaaral ka ng mabuti?
Me: anong drama yan? Ofcourse. Tsaka bat ba ganyan ka magsalita para kang tanga e.
Kuya: yung sinasabi ko sayo ha,wag na wag kang mag boboyfriend ng tambay kakalbuhin talaga kita . Dapat yung matino,yung lagi ka ipagtatanggol kung sakaling may umaway sayo. It means yung kagaya ko,pogi na macho pa. Yung aawayin din yung mga umaaway sayo kagaya ng ginagawa ko ha?

Tumawa lang ako. Pero ng tignan ko siya parang seryoso yung mukha niya.

Kuya: mahal na mahal ka ng kuya. Prinsesa kita eh kaya dapat yung magiging boyfriend mo,dilang prinsesa turing sayo,kundi reyna.
Me: epal ka kuya drama mo. Matulog kana nga. Oo napo susundin koyan.
Kuya: sige na matulog kana wag ka magpuyat i love you .
Me: yuck! Oo na i love you too.

Humalik pa siya sa noo ko tapos umakyat na sa taas. Pero pag lingon ko nandun pa sya sa may hagdan nakatingin sakin tapos ngumiti at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.
Weird.

Kinabukasan maaga ako nagising dahil may pasok. Sabay kami lagi ni kuya kaya kinatok ko siya sa kwarto niya pero walang sumasagot kaya naligo na muna ako.

Nakabihis nako lahat pero dipa din gising si kuya kaya naisipan ko pasukin na siya.

Me: hoy di kaba papasok? Tumayo kana nga!

Pero nanatili lang syang tulog, hanggang sa nainis nako kaya niyugyog kopa siya pero wala talaga. Hinawakan ko yung mukha niya,malamig kaya tinawag kona yung dalawa naming katulong.

"Diyos kopo sir gumising na ho kayo"
Sabi ng katulong namin pero wala talaga nag start nakong kabahan at pagpawisan ng malamig. Pero hndi na talaga gumising si kuya dinala nanamin siya sa hospital at tinawagan ang parents namin.

Bangungot

Yan ang kinamatay niya. Wala akong magawa kundi umiyak. Ganun din sila mommy . Ang bilis bilis. Kaya pala kagabi todo bilin siya yun pala last na.

4days lang binurol si kuya,lutang na lutang parin ako. Nung last lamay niya niyakap ko yung kabaong niya at kinausap siya

"Hoy! Nakakabadtrip ka ha di magandang biro yan. Mag jojogging na tayo hoy gumising kana jan yung mga chix mong panget inaabangan kana tayo na kuya"

Umiiyak padin ako habang hinihimas ni mommy yung likod ko

"Kuya naman tayo na  miss na miss na kita wala ng nangungurot sakin pag matagal ako gumising,wala ng sisipa ng paa ko sa ilalim ng lamesa pag nagpipigil tayo ng tawa pag naguusap sila daddy about work. Kuya hatid mona ako sa school,ikaw yung driver ko dba? Please gising kana tayo kana jan miss kona pagpahid mo ng laway ng noo ko nakaakdiri ka"

Walang tigil yung pagiyak ko. Sobrang biglaan yung pang iiwan niya samin. Kuya is my hero. Lagi siya nakabantay sakin kaya walang nagtangkang manligaw sakin. Ang laki kasi ng katawan niya at ang tangkad.

Ngayun ang 2nd death anniversary niya.
Habang sinusulat ko to,naririnig ko yung string ng gitara sa kabilang kwarto niya. Namimiss na sguro niya tumugtog.

I miss you kuya so much. Dalaw ako sayo tomorrow i love you!

Lianne,19 muntinlupa

True Horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon