Lea's POV
Tandang tanda ko pa nun, 14years old ako,lolo's girl kasi ako halos simula bata ako lagi nasa bahay yung lolo ko.
Kaya habang lumalaki ako mas lalo akong napapalapit sakaniya14yrs old ako ng magkasakit si lolo sobrang nanghihina na siya kaya naka confine lang siya sa hospital,di ako pumupunta nun sa hospital that time kasi ayokong umiyak ng umiyak naaawa ako sa lolo ko,maraming hose ang nakakabit sakaniya,sguro hndi ko kaya siyang makitang nahihirapan.
Alasingko ng hapon nun ng makauwi ako sa bahay papasok palang ako ng bahay kinausap ako ng mama ko.
"anak tanggapin mona yung pwedeng mangyare sa lolo mo,hndi na talaga niya kaya" hndi ako kumibo nun demeretso lang ako sa kwarto ko at don nag iiiyak sobrang nasasaktan talaga ako,hndi ko matanggap sa sarili ko na ganun yung kalagayan ng lolo ko.
Kinabukasan lahat kami ng mga apo at anak ay gustong makita ng lolo,kahit labag sa loob ko ay pumunta ako dahil gusto daw akong makita ng lolo ko.
Papalapit palang ako sa kwarto kung nasan ang lolo ko sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto hndi ako umiiyak Nakatayo lang ako sa may pinto at nakatingin kay lolo lahat sila nag iiyakan na.
Tinaas ni lolo ang kamay niya na parang gusto ng yakap. Lumapit ako ng kaunti at tinitigan si lolo nakita ko ang pagbagsak ng luha sa pisngi niya.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya naramdaman ko ang pag pisil ng lolo sa kamay ko.
"Lo kaya mo yan diba?" sabi ko "malakas ka eh ikaw paba?" sambit ko ulit
Narinig ko ang mga hikbi ng mga tita/tito ko pati narin ng mama ko.
Umiling lang si lolo
Yumuko ako sa kamay niya at doon na bumuhos ang lahat ng luha na tinago ko."l-lo naman eh w-wag ganyan sabi mo aantayin m-mo pa yung magiging apo mo s-sakin" nagtawanan sila pero si lolo nakatingin lang sakin tumulo ulit yung luha sa mata niya,pinunasan ko iyon.
"a-a-ap-o" sambit ni lolo na hirap na hirap,kaya lalo akong napaiyak.
"bantayan mo p-parin ako ha?" sabi ko at tumango naman siya. At sa huling pagkakataon nakita ko ang ngiti ni lolo.
------Kinabukasan ng umaga around 9am pumanaw na si lolo tanggap kona rin kase wala na kaming magagawa.
Lumipas ang tatlong linggo.
Dumalaw ako sa sementeryo kasi missnamiss kona si lolo
Nakaupo lang ako sa harap ng lapida ni lolo "miss na miss na kita lo" sabi ko at hinaplos pa ang lapida Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko,medyo malapit lang sakin nakatayo at nakaputi.Sa puntong to,alam kong si lolo iyon kasi sa tindig ng katawan at sa tangkad nito,humarap ito saakin at hndi nga ako nagkamali,si lolo nga.
Napangiti ako at kumaway saakin si lolo.
Makalipas ang ilang segundo,nawala narin siya sa paningin ko.
------RIP sa lolo ni lea,napaiyak ako sa kwento mo, keep strong :)
BINABASA MO ANG
True Horror stories
رعبYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*