1pm nun ng magising ako dahil sa pag ka ihi
Tinignan ko ang katabi ko,mahimbing na natutulog ang aking asawa dahil sa pagod nito,gusto ko sana siyang gisingin dahil natatakot akong tumayo,dahil masiyadong madilim.Dahil sa alam kong pagod ang asawa ko at mahimbing ang tulog,hndi ko na siya ginising. Umupo muna ako sandali sa kama at kinurap kurap ang mga mata ko.
May naaninag ako sa may pinto na puting bagay,naisip ko na lamang na dahil siguro sa pag ka antok ko kaya kung ano ano na ang nakikita ko. Hndi ko pinansin iyon tumayo na ako at nagtungo sa cr upang imihi.
Dahil siguro sa sobrang antok ko pa,nakapikit pa ako habang umiihi
Pagkatapos ko dumeretso ako sa kusina upang uminom ng tubig,kinuha ko ang tubig sa reff at nagtungo sa lamesa upang kumuha ng baso.Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso,naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking batok,agad nanlaki ang mata ko.
Binalik ko ang tubig sa reff at ininom ang tubig na aking kinuha. Maya maya lang ay nawala ang malamig na bagay na iyon sa aking batok kaya nawala ang takot ko.
Pero hndi pa pala iyon ang huli..Habang naglalakad ako papuntang kwarto kung saan kami natutulog ng asawa ko,may nakita akong puting bagay ulit sa pinto,at sa puntong ito,alam kong hndi na ito guni guni,dahil habang tumatagal,nagiging hugis tao ang puting bagay na iyon. Napaatras ako ng bahagya,palapit ng palapit ang bagay na iyon saakin.
Para akong bato sa aking kinatatayuan,hndi ako makagalaw,at hndi ako makasigaw halos lahat ng balahibo sa aking katawan ay tumayo.
Pinikit ko ang aking mata at umusal ng dasal,pag dilat ko wala na ang puting bagay na iyon kaya tumakbo na ako sa kwarto namin,nagdasal at muling natulog.
-----
BINABASA MO ANG
True Horror stories
ЖахиYung mga kwento na naisusulat ko hndi lang tungkol sakin,kundi tungkol din sa mga kaibigan,kakilala o kamag anak ko. :) #THANKYOUSREADERS :*