CHAPTER 2✓

2.7K 54 0
                                    

Chapter 2 :Mikael's life

ANNE JUNELYN CASCABEL HERMOSO BRILLIANTES is my real and full name.

Cascabel Hermoso ay ang surname ng biological mother ko. Napaka-girly ang name ko na hindi ko naman nagagamit.

Kilala akong Mikael Socorro Brilliantes. Ang Socorro ay dating surname ng stepmom ko.

Naalala ko pa noong panahon na napaka-inosente ko pa. Sa lahat ng mga laruan namin ni kuya Miko ay bakit wala akong nagustuhan ni isa? Four years old pa ako noon nang mapansin ko 'yon. Naging mausisa ako sa mga bagay-bagay.

Hindi ko gusto ang toys ng kuya ko. Madalas naiinggit ako sa mga batang babae na may bitbit at yakap-yakap na manika. Iyon ang mas gusto kong laruin.

Gusto ko ng bahay-bahayan, mas gusto kong makipaglaro sa mga batang babae sa park. Ayoko sa mga pinsan kong lalaki.

Pero pinaghihigpitan ako ng stepmom ko. Hindi raw ako dapat makipaglaro sa kanila. Sa halip na umiyak sa mga panahon na iyon ay nagkukulong lang ako sa loob ng kuwarto ko.

Pinilit kong magustuhan ang mga laruan ng mga kuya ko pero hindi nangyari.

Five years old naman ako ng malaman ko ang lahat, nakilala ko ang tunay kong ina.

"Anne," my mother's uttered my name.

"Mikael po," I corrected her.

Nakita ko na naglandas ang luha ng mama ko noon saka niya hinaplos ang pisngi ko. Sadness, 'yan ang mababasa sa mga mata ng mama ko.

"I'm your biological mother, Anne. Junelyn ang aking pangalan na pangalan mo rin. Ikaw si Anne Junelyn Cascabel Hermoso Brilliantes. Pero kilala ka bilang Mikael S. Brilliantes, dahil kailangan. Kailangan mong maging Mikael, maging lalaki upang matanggap ka ng pamilya ng iyong daddy. Anak, p-patawad... W-walang magagawa si mama, pero kailangan mong magpanggap."

Sa batang edad ko ay roon ko lang na-realized ang lahat. Kaya pala uhaw ako sa atensyon ng parents ko. Ang stepmom ko, siya talaga ang nagpalaki sa akin. Kahit hinihigpitan niya ako sa lahat ng bagay na gusto ko ay hindi naman niya ako sinasaktan ng physical pero tahimik lang siya. Hindi niya ako kinakausap.

Si dad na malayo rin ang loob sa akin. Si mommy lang ang nakakaalam na isa akong babae kaya itinago niya 'yon kina dad. Hands on sa pag-aalaga sa akin ang stepmom ko dahil nag-iingat siya na malaman ang totoo kong pagkatao.

Honestly, puwede naman niya akong itakwil at ipaampon sa iba kung bawal ang babae sa Brilliantes clan. Pero mas pinili niyang itago ako at magkunwaring lalaki ako sa paningin ng lahat.

"How's your day, Mikael?" Nagbalik sa realidad ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni kuya Michael.

Nagitla pa ako nang hawakan niya ako sa balikat ko. Napatikhim ako pero hindi ako ngumiti. Seryoso rin kasi ang expression ng mukha niya.

"It's fine, kuya Michael," sagot ko at tumango lang siya saka niya ako tinalikuran.

Kung si kuya Markus na walang pakialam sa akin ay si kuya Michael naman na tinatanong lang ako kung kamusta ang araw ko.

Sina kuya Mergus at kuya Markin ay sila ang naghihigpit sa akin noong mga bata pa kami na hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Kapag pumapalpak ako ay pinupuna nila pero siyempre nagagalit sila sa akin.

Mas gusto ko pa yata si kuya Markus na kahit walang pakialam sa akin ay never akong nakarinig ng negative feedbacks from him.

"Kamusta, Mikael?" bati sa akin ng isa sa pinsan ko. Si kuya Daziel na halos kaedad namin ni kuya Miko.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon