CHAPTER 23

2.2K 42 0
                                    

Chapter 23 : Escaping

I WANT to throw this thing called bouquet on my cousin's face. But urgh! 

I just continue walking hanggang sa makaabot ako sa comfort room ng hotel. At seryoso ako sa sinabi ko na gusto kong itapon ang bulaklak pero... 

"Opss... That's bad, Mikael. Huwag mong itapon, sayang naman, 'di ba?" Crimson said out of nowhere. Naiwan pa sa ere ang kamay ko at ang bouquet, nahawakan niya ito at ibinaba na ang braso ko. 

Sumunod pa talaga sa akin ang isang ito. Tss. 

Hindi ko siya pinansin at pumasok lang ako sa loob ng cubicle. Kinatok naman nito ang pinto. 

"Baby, mali 'ata ang napasukan natin, nasa women's comfort room tayo, " dinig kong wika niya at hapos kumalabog sa lakas ang dibdib ko. I want to curse someone. 

Binuksan ko ang pinto at pinukulan ko siya ng masasamang tingin. "Leave me alone, Crimson. Masakit ang ulo ko," I told him, angrily. 

Bigla namang hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at nakaguhit sa mga mata niya ang pag-aalala. 

"Hangover? Bakit ba kasi naglasing ka kagabi, ha? Nakainom ka ba ng gamot pagkagising mo? " sunud-sunod na tanong niya sa akin at umiling ako. 

"Kung sana hindi na lang kita iniwan kagabi. Nabigyan sana kita ng gamot, sh-t, " aniya at parang sarili pa niya ang sinisisi niya. 

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila na ako palabas at nagpatianod na lamang ako. 

Mali nga 'ata ang napasukan kong comfort room. Lutang nga ang utak ko. Mabuti na lamang ay kaming dalawa lang ni Crim ang nasa loob. Baka mag-hysterical pa sa gulat ang mga babae kung makita pa ako. Iisipin nilang pervert ako. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang palabas na kami ng venue. 

Binitawan na niya ako nang makita ang maraming taong nakatingin sa amin pero umakbay lang pala siya na akala mo best buddy kami. 

"CEO Del Labiba, hindi ko akalain na close pala kayo nitong apo ni president Brilliantes, " ani sa amin ng isang lalaki na kaedad nina daddy at hinarangan pa kami. 

"Ah, yes Mr. Stanchion, but if you don't mind ay mauuna na po kami," pagpapaalam ni Crim. Tumango lang ang lalaki sa kanya at hinagod lang ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Goosebumps tuloy ako. 

Humigpit ang pagkakaakbay sa akin ng kasama ko bago kami naglakad palayo. 

"What a pervert old man, " Crim murmured. 

"Pervert? I'm a man," I said. 

"Yeah at maawa naman siya sa sarili niya. Lalaki ka pero pinagnanasahan ka pa ng g-go," iritadong saad niya dahilan ng pagkunot ng noo ko. 

"What? He's just looking at me," sabi ko. Hindi ko naman iyong pinagtatanggol, ha. 

"Oh, yeah? Avoid that old man, Mikael. Isa 'yon sa business partner ng lolo mo at kung makita ko na kahit daliri mo lang ang hinawakan ay masusuntok ko 'yon," seryosong saad niya.

"Whatever," sabi ko at hindi ako natakot sa expression niya. Good luck na lang sa matandang iyon. 

"Where did you taking me, anyway?"

"Oh, baby, we're escaping... "

"What? No!"

"Date tayo?"

"Ano?!"

"Saan mo gustong mag-date?"

"Del Labiba," may pagbabantang bigkas ko sa surname niya. 

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon