CHAPTER 19

1.9K 40 0
                                    

Chapter 19 : Madness Girlfriend

"GUMISING ka na nga!" sigaw ko sa tainga niya pero sa halip na gumising at bumangon ay hindi niya 'yon ginawa.

Niyakap pa ako nito at ipinagdikit ang pisngi naming dalawa. Napabuga ako ng hangin mula sa bibig ko. Hindi ba siya naiingayan sa boses ko?

"Wake up, there's someone waiting for you to open your dimwit door, Crim."

"..."

Urgh! He's so hopeless! I can't breath! Naka-dapa ako sa kama at bahagyang nakasubsob ang mukha ko na isa pa nakadikit din ang pisngi niya sa akin.

Hindi ko rin siya kayang itulak dahil sa kumot na nakabalot sa akin at nakatali pa 'ata. Hindi ako makakilos!

Isama mo pa ang pagpintig ng sentido ko. Naka-on ang aircon pero dahil sa kumot at si Crimson na nakayakap sa akin ay naiinitan na ako.

Hindi rin maawat ang puso ko sa pagbilis nang tibok nito. Haist!

Maya-maya pa ay gumalaw na siya kaya nagawa kong iangat ang mukha ko. Pero ang braso niya ay nasa baiwang ko pa rin.

Kung hindi ka nagising sa boses ko baka ang pagkagat ko sa 'yo ay tuluyan ka nang magigising.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Para siyang bata kung matulog. Ang cute pa naman niya sana at baka buong araw ko siyang titigan kung sakali, kung wala lang tao ang nag-iingay sa labas ng unit niya.

Sa pisngi ko sana siya kakagatin pero nagulat ako nang tumagilid ang mukha niya at ang lower lips niya ang nakagat ko.

Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang ginawa ko. I made sure na bumaon talaga ang ngipin ko sa labi niya at marahas na hinila ko pa ito.

Sa una ay kumunot ang noo niya at salubong ang kilay pero nang mas idiniin ko ang pagkagat ko sa kanya ay ro'n na siya tuluyang nagising.

Mabilis na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilayo ito mula sa kanya.

"A-Aw, baby! Don't bite my lips! Godd-m it!" sigaw niya na hinaluan pa ng pagmumura. Base sa tono ng boses niya ay nasaktan siya sa pagkagat ko sa pang-ibabang labi niya at tila maiiyak na siya.

Nalasahan ko pa ang dugo niya bago ko tinigilan ang pagkagat ko sa labi niya.

"W-What are you? A v-vampire?" nauutal niyang tanong sa akin at sabay na pinunasan ng hinlalaki niyang daliri ang gilid ng labi ko na may nakakalat na palang dugo.

"Get up! May tao sa labas ng unit mo!" sabi ko sa kanya. Hindi pa rin natatanggal ang kunot sa noo niya.

Natigilan lang siya nang marinig namin pareho ang pag-doorbell. Na naman.

"Who's your visitor this early in the morning?" tanong ko sa kanya sa seryosong boses.

"It must be my twin bro--holy sh-t! It's already 12 in the afternoon! F*ck!" bigla ay sambit niya at napatingin naman ako sa wall clock niya sa loob ng silid niya.

Napa-facepalm na lamang ako. "What did you do last night?! Bakit hindi ka nagising kaagad?!" adik ko rito at nagusot ang matangos niyang ilong.

"What? And you forgot din kung ano ang ginawa mo sa akin kagabi?!" balik na tanong niya sa akin at ako naman ang natigilan.

"M-May ginawa b-ba ako sa 'yo kagabi?" nauutal na taking ko sa kanya. Kinabahan ako. May g-ginawa nga b-ba ako sa kanya? Hindi ko maalala, eh. Gumuhit ang nakakainis na ngisi niya sa akin at inilapit na naman nito ang mukha niya sa akin.

Tinitigan ang labi ko na ramdam ko na tila namamantal ito. Kanina ko pa 'to nararamdaman. Parang kinagat nga ng lamok ang labi ko at namamanhid ito.

"Hindi mo ba naalala ang ginawa nitong labi mo?" nang-aasar na wika niya sa akin at hinipan ng bibig niya ang mga mata ko kaya napapikit-mata ko.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon