CHAPTER 34

2.9K 55 0
                                    


Chapter 34 : Bring back the memories

"YOUR family accepted you, baby," bulong sa akin ni Crimson. Hindi ko na naman mahanap ang boses ko.

Lumipat si Crim sa tabi ng driver seat at sumakay naman si Jean na inalalayan pa ni Gabril.

"Mauna na kayo," sabi ni kuya Markus at mabilis na pinausad ni Orian ang sasakyan niya.

"AJ, tumawag sa akin kanina si Iko at nagpapasundo na kina Arkanghel. Kung bakit ba kasi hindi na lang siya sumabay sa atin," aniya at napatingin sa amin ang dalawang lalaking nasa harap. Si Crim na ngumiti lang at si Orian ay kunot-noo.

"Sino siya, Mik?" tanong ni Orian.

"Si Donna Jean po, Jean, pinsan ko pala si Orian," pagpapakilala ko sa kanila.

"Kuya, Mikael. Ikaw ang pinakabunso sa aming lahat, kaya kuya ang itatawag mo sa amin," ani ni Or--kuya Orian.

"Opo," parang batang sagot ko.

"Hello po, kuya Orian. Ang dami palang pinsan itong si AJ. Pinsan din ba siya ni Iko?"

"Sinong Iko?" mabilis na tanong ni kuya Orian.

"Si Mik--" mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Jean. Parang may mali kasi sa pagtatago ni kuya Iko.

Tumawa lang si Jean, naramdaman niya yata na bawal niyang ikuwento si kuya Iko. "Boyfriend ko po, kuya," nakangiting sabi ni Jean, namula pa ang pisngi niya.

"Boyfriend mo?" kahit hindi ako nakikita ni Jean ay tinaasan ko pa siya ng kilay. Crush niya lang ang kuya ko tapos boyfriend na niya kaagad? Hindi naman dahil ayaw ko pero... ni hindi man lang nanligaw sa kanya si kuya Iko.

Mapagsabihan nga siya mamaya. "Joke lang," sabi niya.

A few minutes later, we reached our destination. Bumungad kaagad sa amin ang mala-higanteng itim na gate. Nasa isang subdivision lang pala pero bilang lang sa mga daliri ko ang nakatayong mansion sa loob.

"Tanging ang mga Brilliantes lang ang nakatira rito, Mik," Orian said.

Huminto naman ang kotse niya at mukhang ito na ang mas malaking mansion sa subdivision na ito at halos nasa dulo na rin ito.

"This is grandpa's mansion, kung saan din na lumaki ang mga parents natin. Come on, bumaba na tayo at kahapon pa naghihintay sina grandpa," aniya. Siya lang ang nagsasalita sa amin buong biyahe.

Malapit na palang mag-5 PM. Ganoon pala kalayo ang Pangasinan patungo rito sa Manila?

Isa-isa namang pumarada ang mga sasakyan ng kasamahan namin at patakbo pang lumapit si Ark sa side namin.

"Mapapatay ako ni Iko kung may humawak sa kamay ng kaibigan mo. Ako na ang bahala kay Jean, pare," ani Arkanghel kay Crim at inakbayan na lamang niya ako.

Muli akong napatingin sa mansion. Kulay gold, grey and white ang color ng structure nito at napaka-ganda, nasa 5th floor din ito. May mga nagtataasan ding mga puno sa paligid nito.

Mas lalo lang akong namangha nang makita ko ang kabuoan sa loob. Napakayaman naman ng grandpa namin. Ang laki at makawak ang mansion. I wonder kung sinu-sino pa ang nakatira rito.

"Hayan na ba ang apo ko?" dinig kong wika ng isang matandang lalaking naka-wheelchair. Marahil siya na ang lolo namin.

May katandaan na nga pero bakas pa rin ang maamo niyang mukha na halos nakuha ng mga pinsan ko ang hitsura niya.

"Mikael, he's our grandfather and yes, grandpa. Mikael is finally home," ani kuya Markus and a lone tear escaped from him.

He spread his arms, a sign that he wants me to hug him, kaya iyon ang ginawa ko. Kahit feeling ko ay bumibigat ang atmosphere sa paligid pero nagawa kong humakbang palapit sa kanya and I kneeled in front of him.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon