SPECIAL CHAPTER 2

2.9K 58 2
                                    


Finale special chapter 1

Warning: Matured content, read at your own risks.

Years later...

"Baby, that's enough. Kanina ka pa riyan nagtatrabaho." Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng asawa ko.

Napangiti ako nang makita ko ang guwapo niyang mukha. Nakasandal siya sa nakasaradong pintuan habang naka-cross arms pa. Hindi ko nga napansin na bumukas iyon dahil subsob ako sa trabaho ko rito sa loob ng library.

Ang kaninang nararamdaman kong pagod ay biglang naglaho. Sumabay ang pagbilis nang tibok ng puso ko. At para na naman akong dinuduyan.

"Give your baby a hug, then," nakangiting sabi ko.

Sinusupil niya rin ang ngiti sa mga labi niya nang humakbang siya palapit sa akin at iyon nga ang ginawa niya. Niyakap ako nang mahigpit at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Bahagya pa niyang inamoy iyon kaya natawa ako.

"I miss you," mahinang bulong niya at tumatayo ang balahibo ko dahil nararamdaman ko ang mahihina niyang halik doon.

"Akala mo naman ngayon lang tayo nagkita ulit, ha?" sabi ko at tumango-tango pa siya.

"Iba rin ang na-miss ko, eh. Kailan ulit natin gagawin iyon, baby? Kailan natin susundan si Maiko?" parang batang sabi niya. Kahit mag-asawa na kami ay hindi ko pa rin maiwasang mamula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Kahit ilang ulit na namin iyong ginagawa ay nahihiya pa rin ako. Isa rin sa nakakahiyang sitwasyon ay iyong pagtatawanan niya ang sarili niya kung ano paano raw namin gagawin 'it on' kung talagang lalaki ako. Ang suwerte raw niya na babae ako at hindi raw kami nagtatalo kung sino ang top or bottom. Siraulo talaga at baka raw siya ang bottom dahil hindi siya straight. So, pinandidigan niya talaga na bakla siya.

"Ang init din ng ulo mo sa akin, this past few days," dagdag pang sambit niya. Tawa lang ako nang tawa.

Alam ko kasi ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko na madalas siya talaga ang pinag-iinitan ko ng ulo. Minsan nga ay naiinis ako sa mukha niya. Mahaba lang ang pasensiya niya kaya hinayaan na lamang ako. Ang weird ko raw at pasalamat pa nga raw ako sa kanya na mahal niya ako. Kung hindi raw ay baka iwan na niya ako. As if, kaya niya.

"Puntahan--ay!" impit na napasigaw ako nang bigla niya akong pangkuin at naglakad palapit sa isang pintuan sa loob ng library.

"Put me down, Crimson," saad ko pero umiling lang siya sa akin at pinatakan ako ng marahan na halik sa noo ko.

"Not this time," sabi niya. Gamit ang paa niya ay sinipa niya ang pinto para buksan iyon. May spare room kasi rito at sinadya pa niyang ipalagay dahil kay Maiko.

Maingat na ibinaba niya ako sa kama na 'sakto lang ang liit nito. Bukod sa kama at maliit na kabinet ang nasa loob ay may study table rin at TV set.

Mabilis na hinubad niya ang puting shirt na suot niya at itinapon na lang ito ng basta-basta. Babangon na sana ako nang patalon niya akong kinubabawan.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "G*go," sabi ko at tinulak ko siya sa dibdib niya pero hindi nagpatinag.

"Tinatamad ako," walang bakas na emosyong sabi ko. Totoong tinatamad ako sa binabalak niya ngayon. Hindi naman dahil ayaw ko pero sadyang tinatamad lang ako.

Napasimangot siya at inilapit ang mukha sa akin.

There goes again the tension between us... Kayang-kaya talagang gawin ito sa akin ng asawa ko.

"Fifteen minutes, baby, hmm?" he whispered at padampi-dampi ang malambot niyang labi sa akin.

Kinulong ko sa palad ko ang mukha niya kaya napahinto siya sa ginagawa niya. He's on top of me pero hindi naman niya binibigay sa akin ang lahat ng bigat niya dahil nakatukod ang magkabilang braso niya sa gilid ko.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon