CHAPTER 36

3.1K 53 0
                                    

Chapter 36: Second chance

***

"And how about your story, Miko?" kuya Markus asked him. Lahat kami ay matamang tinitigan si kuya Miko. Halatang interesado kaming marinig ang pahayag ni kuya tungkol sa fake death niya at maging kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya noon.

Pero alam na kaya nina kuya Miko kung sino ang nasa likod ng krimen na iyon? Sino ang mastermind no'n? Bakit kailangan nila ang kayamanan ni grandpa? Isa ba silang sindikato or what?

Pero kung sindikato nga sila ay baka una nilang hihingan ng ransom si kuya Miko pero hindi ganoon ang nangyari.

"They are idiot. Kung ano ang ginawa nila sa akin ay iyon din ang ginawa nila kay Mikael," malamig na tugon ni kuya Miko.

"Desperado silang mapalapit sa Brilliantes clan para lang sa kayamanan ni grandpa at nagpadala pa sila ng mga tao nila na sinadyang maging kamukha namin ni Mik," dagdag pang saad ni kuya Miko at nakakuyom na ang kamao niya.

"Plastic surgery ba iyon?" tanong ko naman at pareho silang napatango. Kaya pala kuhang-kuha ng taong iyon ang mukha ko dahil plastic surgery pala ang ginawa niya upang mas maging magkamukha kami.

"Isa lang naman ang mali nila..." nakangising sambit ni Crimson at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko.

"My Mikael is a girl," malambing na sabi niya at mabilis na nag-init ang pisngi ko. Nagulo bigla ang buong sistema ko kung kaya't hinampas ko ang kamay niya at nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa ko.

"Baby..."

"Umuwi na tayo?" sabi ko sa mga kuya ko at sabay silang napatingin sa akin.

Tumango lang si kuya Markus at inalalayan pa akong makatayo.

"Thank you, Dra. J and I'm sorry for shouting you awhile ago," ani kuya Markus kay Dra. J.

Ngumiti si doctora, "no worries, besides babalik talaga ang memories ni Ms. Mikael. Dahil hindi naman siya nagkaroon ng amnesia. Base sa mga pahayag niya ay hindi naman siya naaksidente. Nahulog lang siya sa malalim na dagat at pagkagising niya ay wala na siyang maalala pa," mahabang sambit niya at napaisip naman ako.

Kung ganoon nga ang nangyari sa akin pero bakit nawalan ako ng alaala? May tumama bang matigas na bagay sa ulo ko?

"Because you was suffered from depression. Before the incident, you tried to commit suicide. You tried to forget all the things you have in the past, pain and sorrow. You tried to end your life because you are tired, fighting for nothing. And how come you lost your memories, just like that? Because your brain is protecting you. Naisip mo noon na kalimutan na lang ang lahat kasi hindi mo na kaya. Nag-over thinking ka sa mga nangyayari sa 'yo. Marami na akong na-encounter na ganyang case ng pasyente but lucky you ay hindi ka na-coma. Because sometimes, kung ang brain na natin ang mag-ru-rule sa katawan natin ay hindi tayo magigising hangga't hindi mo gugustuhin. Iyon ang dahilan kung bakit nangyayari iyon sa isang tao. At bumalik lahat ang memories mo that easily ay parang naisan-tabi lang iyon at babalik lang din kung handa ka na. That you are ready to face the reality."

Nalinawan din ako sa statement niya. Psychology doctor nga siya kung kaya't alam niya ang mga bagay-bagay na iyon just base on what she have heard from us. Matalino siya at nagawa niyang pagtagpi-tagpiin iyon lahat.

"Salamat J," pagpapasalamat ni Crim kay Dra. J. Palangiti nga talaga ang magandang doktora.

"At hindi ko nagustuhan ang pagmumura mo sa asawa ko, Crimson," mariin na saad ng asawa ni Dra. J. Napatawa lang ito sa sinabi ng asawa niya.

"Whatever, Hillarus. Mauuna na kami," sabi pa ni Crimson at hinigit na ako nito bigla.

"And where did you taking my little sister, Del Labiba?" kuya Markus asked him in a cold tone.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon