CHAPTER 18

2K 41 0
                                    

Chapter 18 : Mikael's brother

"Who is she?" he asked me, curiosity is visible on his face. It seems he's interested na makilala ang babaeng kasama ko. Oh, kung babae nga ba talaga ang kasama ko.

Hindi naglaho ang kaba sa dibdib ko lalo na no'ng gumalaw si Mikael at pilit na bumababa. Ang likot niya.

"B-Baby..."

Nang tumapak sa malamig na sahig ang paa niya ay kaagad na niyakap ko siya ng patagilid at mariin na sinubsob ko ang mukha niya sa dibdib ko.

Umungol siya dahil sa ginawa ko. Mabuti na lamang ay natanggal ang pagkakatali ng wig niya kaya nagagawa nitong takpan ang mukha niya.

"Let g-go..." mahinang saad niya at walang lakas na tinulak ako.

"Morry Tsumaga, your girlfriend?" tanong ni Markus Brilliantes at pilit pa ring sinisilip nito ang mukha ng kasama ko.

F*ck! Malaking trouble ito, oh God! Sa dami-rami ng pagkakataon na mahuli pa ako na kasama ang kapatid niya na nag-disguise na babae ay bakit ngayon pa? Sh*t!

"I heard my brother's--" Tinakpan ko ang bibig ni Mikael at bahagya ko siyang inilayo.

"Sorry Mr. Markus, hindi ko nakita ang kapatid mo," buong tapang na sagot ko.

To be honest, grabe ang takot ko ngayon na baka makilala niya ang kapatid niya at alam ko na hindi lang ito simpleng gulo. Malaki.

Sensitive pa naman sa kanila ang babae sa pamilya at baka iisipin ng kapatid nito na bakla si Mikael. At baka tuluyan na nilang itatakwil si Mikael. Oh, God! I can't ruin his life!

Sh*t talaga, hindi ko naisip na puwede 'tong mangyari.

"She isn't your girlfriend," sabi nito sa seryosong boses.

"I know you!" Palihim na napamura ako nang kumalas sa pagkakayakap mula sa akin at tinuro pa nito ang kuya niya.

Lasing na talaga si Mikael! Ni hindi na niya nakikilala ang kapatid niya. Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawang saluhin si Mikael. Muntik na siyang mawalan ng balanse, 'buti at mabilis na naalalayan siya ni Markus.

Yumakap ito sa baiwang niya at salubong ang kilay.

"You are M-Markus Brilliantes, right?" Sh*t, baby!

"Come here, baby! You are drunk, hindi mo na alam ang ginagawa mo," sabi ko at hinila ko na siya sa braso niya.

"Baby no..."

"Shut up..." mahinang sabi nito at napangiti ako sa reaction niya.

He's so d*mn cute. Mariin na pinisil ko ang kaliwang pisngi niya. "Stop it," bulong ko sa tainga niya at narinig ko pa ang pag-ingos niya na parang bata. I chuckled.

"Are you cheating with your girlfriend, Mr. Del Labiba?" Bakit ba ang daming tanong ng lalaking ito? Tsk. Can he just leave?

"You know that my little brother likes your girlfriend," he added.

"F*ck, no!" bigla ay sabi ko. 

Hindi ko nagustuhan ang ideya na gusto ni Mikael si Morry. Hindi sila bagay! 

"Oh?" 

"What are you doing here, by the way? At bakit mo hinahanap ang kapatid mo? Malalim na ang gabi," sabi ko.

Umayos siya sa pagkakatayo niya at muli na naman niyang tiningnan si Mikael. What's with that looks? At bakit ba niya tinitingnan si Mikael?

"What's her name?" sa halip na iyon ang itinanong niya sa akin.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon