CHAPTER 12

1.9K 49 1
                                    

Chapter 12: Crushes

CRIMSON DEL LABIBA's POV

Maganda ang gising ko kinabukasan at ang gaan-gaan sa pakiramdam. Lalo pa nang makita ko ang katabi kong lalaking natutulog.

Waking up this morning, seeing his beautiful face made me happy. Napangiti ako. Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha.

Iisang unan lang ang gamit namin at kumot. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Bakit kaya hindi man lang ako nandidiri sa malaman na nag-share kami ng kama at magkatabing natulog kagabi? That because he's a boy? Na wala namang ibang kahulugan 'yon at wala namang masama kung magtatabi kami sa kama matulog?

I remember last night, he took care of me when I'm sick at alam kong nakukulitan na siya sa akin kagabi. Pero dahil nag-aalala siya sa akin ay inalagaan pa rin niya ako.

Gamit ang hinlalaki kong daliri ay marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Napaka-kinis no'n. 'Yong mukha niya ay masyadong maliit. Tapos ang ilong niya, ang labi niya. Bumaba ang mata ko sa leeg niya. Kung hindi lang talaga maikli ang buhok niya at nakasuot ng panlalaking damit at talagang pagkakamalan siyang babae. 

Maingat na bumangon ako pero pinagsisihan ko 'yon dahil nagising siya kaagad. Tinulak ko siya sa braso niya niya para makahiga ulit siya, mukha pa siyang inaantok pero bumangon din naman.

"Bakit ba?" maliit ang boses na tanong niya. Pero nagsusungit ang tono niya.

"Matulog ka pa," saad ko. Ikinangiti ko na naman ang pagkusot-kusot niya sa mata niya. He's cute.

"Umaga na at may trabaho pa ako. Ikaw rin," sabi niya at nauna nang tumayo.

Hay, Mikael, ang aga-aga napaka-sungit mo pa rin.

Two weeks later...

MIKAEL S. BRILLIANTES' POV

Two weeks had past and somehow, matino na ang pagtatrabaho ko. Dahil walang CEO na nangungulit sa akin. Ipinagpasalamat ko 'yon.

Kasama ko ang team nina Architect Drimson. Nasa isang malaking tent kami. Kasalukuyang nagdi-discuss tungkol sa project namin. Anim lang kami rito. Tatlo ang engineer at tatlo rin ang architect.

Sinisimulan na rin ang construction, kompleto na nga ang materials at pati ang mga tauhan namin.

12 PM na, medyo mainit pa ang sikat ng araw. Kaya halos pareho kaming naliligo sa sarili naming pawis. Hindi nakatulong sa amin ang pagpaypay ng ginupit na karton sa mainit na panahon.

Napatingin naman ako sa lalaking tumatakbo patungo sa direction namin at bumulong kay Engineer Drimson, tumango lang ang kakambal ni Crimson bago umalis ang lalaki.

"Okay, that's all for today," anunsuyo niya sa amin at may tatlong babae naman ang lumapit sa amin.

Sila ang mga staff ng Amor restaurant, kasama nila ang manager nila. Personal na sila ang nagdadala ng foods sa amin at napagkasunduan naman nila 'yon. May contract din kung kailan nila kami susupply-an ng pagkain. Kaya natural na special ang trato ng mga taga Amor sa amin.

Kumunot ang noo ko nang sulyapan ako ng manager nila at maarteng hinawi pa nito ang buhok niya. Salubong din ang kilay ni Drimson nang tiningnan ako saka kinuha mula sa table ang cellphone niya at kung may anong tinype ro'n. I shrugged my shoulder. Ang weird nila.

"Wala pa ring pinagbago ang kagandahang lalaki mo, Engineer Mikael," malambing na komento ng manager sa akin at kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya, kaya umiwas na lamang ako nang tingin sa kanya.

"Pansinin mo naman po ako, Engineer," dinig kong wika niya at umupo sa tabi ko. Hindi ko naman magawang umusog sa right side ko kahit gusto ko man, dahil ang kasamang engineer ko naman ang katabi ko roon, si Engineer Vargaz.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon