CHAPTER 8

2K 50 1
                                    

Chapter 8 : Possessive CEO

"AT SINONG Anne Junelyn ito?! Girlfriend mo?!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pangalan na binanggit niya.

"Sino 'to, ha? Girlfriend mo? May girlfriend ka na nga!" iritadong saad niya at nanlalaki pa ang butas ng ilong niya.

Hindi ko siya sinagot. Padabog na inagaw ko sa kanya ang hawak-hawak niyang kuwintas. Kinabahan talaga ako at halos manigas ako sa pagkakaupo ko. Nanginig din ang kamay ko.

Napaawang ang labi ko nang matitigan ko ang pangalang naka-ingrave sa kuwintas. Crescent moon ang necklace na kulay dark. Napatulala ako, ni minsan ay hindi ako nagpagawa ng kuwintas na may pangalan ko kasi nag-iingat ako sa buong buhay ko.

Ayokong mabunyag ang sekretong hindi ko naman ginustong itago pero dahil para rin sa kapakanan ko ay mas pinili kong ilihim na lamang ito.

A-ang kuwintas na ito ay kay kuya Miko. Alam ko dahil araw-araw kong nakikitang suot niya ito sa leeg.

Anne Junelyn B. 'Yan ang mababasa sa necklace ni kuya na halos ikagimbal ng pagkatao ko. A-alam ni kuya, alam ni kuya ang tunay kong pagkatao. May alam ang kuya ko na isa akong babae.

"Look at me, Mikael!" dinig kong sigaw sa akin ng lalaking kasama ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Nagtatakang tiningnan ko naman siya ng diretso sa mga mata niya. Mababasa roon na hindi niya nagustuhan ang nakita niya.

"Sino si Anne Junelyn? Girlfriend mo? You missed her, that's why you are crying," he said, the girl you asking who is she, is now in front of you, Crimson.

At hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Kaya pala overprotective ang kuya ko noon sa akin na hanggang ngayon, kung hindi lang siya binawi sa amin ng Diyos.

Tandang-tanda ko pa noon, ang mga batang lalaking nais akong makalaro pero pinagtatabuyan sila ni kuya. Ang akala ko noon ay nagseselos lang siya kapag may mga batang nais akong maging kaibigan.

Noong high school naman kami ay kapag nagbabanyo ako ay sinasamahan niya ako at tinitiyak niyang walang tao tapos ang akala ko ay pati siya magbabanyo rin pero sa pintuan ng CR lang pala siya magbabantay.

At may kung mag-iimbita sa akin na maglaro ng basketball na natutunan ko dahil tinuruan ako ni kuya ay todo tanggi rin si kuya Miko.

Sa college, siya ang pumiling sport para sa akin. Badminton for male, gusto ko ngang maglaro ng basketball o soccer pero ayaw niya. Ang dahilan niya ay baka raw masaktan ako.

Bantay sarado ako ng kuya ko noon especially when it comes to boy. Hindi naman ako na-pressure sa paghihigpit niya sa akin dahil pabor sa akin iyon lahat. Umiiwas ako sa mga lalaki pero kahit babae ay ginagawa rin ni kuya.

Lapitan ako ng babae at lalaki noon na ikinainis ko dahil distracted ako sa pag-aaral.

Kaya pala, kaya naman pala ginagawa iyon lahat ni kuya. Dahil alam niyang babae ako pero ni minsan hindi siya nagtanong sa akin. Hindi niya ako sinumbong kay dad. Hindi niya isiniwalat ang nalaman niya tungkol sa akin. Nilihim din ni kuya. Pero bakit? Bakit niya 'yon ginawa.

"Haist! Let's go, dadalhin na kita sa bar!" 

Hindi ako kumibo nang hinila niya ako sa braso dahil natulala talaga ako sa nalaman ko ngayon. Gusto kong umiyak, gusto kong yakapin ang kuya ko.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit nilihim niya iyon. Gusto kong malaman ang kasagutan. 

Biglang huminto si Crimson at hinarap ako. "Umiiyak ka na naman," aniya na ngayon ay hindi na iritado ang boses niya. May pag-aalala na 'yon.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon