CHAPTER 30

2.9K 50 0
                                    

Chapter 30: Years Later

2 years later...

AJ POV

"AJ! Gumising ka na!"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Jean sa labas ng kuwarto ko. Bumangon na ako at inayos ang higaan ko saka nagmamadaling pumasok sa banyo.

After my daily routine ay lumabas na ako at naabutan ko si Jean na nasa pinto pa rin habang nakasandal sa pader ng kuwarto ko.

Nakasuot na siya ngayon ng baby blue one-shoulder dress na hanggang tuhod lang ang haba no'n at ang wavy hair niya na nakalugay lang sa balikat niya.

Jean, Donna Jean Villahermosa Lodivero ang pangalan niya at simple lang siyang babae but a dreamer. She's beautiful, ang mga mata niya na may pagka-singkit at katamtaman din ang tangos ng ilong niya. Natural na pink ang mga labi niya.

"Tara na! Naghihintay na si Iko!" masiglang sabi niya and I giggled.

Crush niya ang kapatid kong si kuya Iko, pero hindi naman niya sinasabi dahil nahihiya raw siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ito saka ko siya inalalayang maglakad.

"Ano ba ang hitsura ni Iko, AJ? Guwapo ba siya? Magkamukha ba kayo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin habang dahan-dahan na kaming bumababa sa hagdan.

Pero hindi pa man kami nakaka-tatlong beses sa paghakbang nang sumulpot ang kuya ko at siya na ang umalalay kay Jean.

"Si...AJ na lang, h-hindi mo na ako kailangang alalayan pa," reklamo ni Jean pero ang lambing ng boses niya.

Kahit hindi man niya makita kung sino nga ang umaalalay sa kanya ay malalaman pa rin niya. Pamilyar na sa kanya ang presensiya ng mga taong nasa paligid niya. Well, malakas ang sense ng mga taong...hindi nabigyan ng pagkakataon na makita ang mundo.

Bulag si Jean mula pa sa pagkabata at ilang ulit nang sumubok na operahan siya pero hindi ito nagsa-successful.

Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Pero kahit ganoon, kahit ilang beses na siyang nabigo ay patuloy pa rin siyang nangangarap na bibigyan pa siya ng pagkakataon na makakita. O kahit isang minuto lang daw basta masaksihan niya ang magandang tanawin sa mundo.

"Okay ka lang, AJ? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" tanong sa akin ni kuya at nahahalata sa hitsura niya ang pag-aalala sa akin.

Tipid na ngumiti ako at umiling. "Okay lang po ako, kuya. Hindi na po ako sinusumpong ng migraine ko," sagot ko at ginulo na naman niya ang buhok ko kaya napasimangot ako.

Nakagawian na niyang gawin iyon sa akin na akala mo ay isa pa akong batang puslit. Eh, malapit na akong mag-28 years old na hanggang ngayon din ay wala pa akong boyfriend.

"Kuya Iko, kailan ko ba sasagutin si Arkanghel?" untag na tanong ko at mula sa peripheral vision ko ay nakita ko si Jean na ngumisi.

Si Arkanghel kasi ang manliligaw ko. Guwapo siya at akala mo isang artista. Nakilala ko siya noong may medical mission sila rito sa Pangasinan. Oo, isa siyang doctor at mabait naman.

"Limang buwan mo lang nakilala ang doctor na 'yon, AJ at sasagutin mo na siya kaagad? Paano kung masamang tao pala iyon?" malamig na tanong niya sa akin at napanguso ako.

Pinagbabawalan na naman niya ako, eh.

"Hindi ba puwede, kuya? Nililigawan na niya ako, eh. Saka bibisita siya sa akin kasama raw ang mga kaibigan niya," masayang sabi ko.

"Taga-saan ba 'yang Arkanghel na 'yan, Mikael?" tanong niya at tila tunog kulog ang boses niya kaya natahimik na lamang ako.

"Taga-Manila kuya," sagot ko at mapagkagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"Kung sasagutin mo ang lalaking iyon ay tiyak na may masasaktan," mahinang bulong niya na hindi ko masyadong narinig nang maayos.

Papunta pala kami sa Orphanage na pinatayo ni kuya Daiz, ang kapatid ni Jean. Madalas na iyon na ang naka-ugalian namin ni Jean. Marami kasing bata roon.

"Ihahatid mo ba kami, Iko?" Jean asked my brother.

"Of course," kaagad na sagot ng kapatid ko.

Maya-maya lang ay pareho na kaming lulan sa kotse ni kuya Daiz at sina Jean lang ang maingay sa biyahe.

Nakaupo lang ako sa backseat at nasa labas ng bintana ang buong atensyon ko.

"Hindi na naman kayo kumain ng breakfast, 'no?" By that, napatingin ako sa front seat at nakataas pa ang kilay ni kuya Iko.

"Sorry, kuya. Excited lang kami," saad ko at nag-peace sign pa ako.

"Right, she's too excited na makita ulit ang manliligaw niya, Iko."

My brother glared at me. So, I looked away. Crush ko lang kasi si Arkanghel, eh...

When we reached the orphanage ay nagmamadali akong bumaba sa kotse para makaiwas kay kuya.

"Mikael!" I heard kuya Iko called that familiar name. Dahilan na napahinto ako at napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang biglang pagkirot nito.

That name...napaka-pamilyar sa akin. Na tila narinig ko na 'yon nang paulit-ulit pero wala akong maalala kung saan o kailan ko iyon narinig o kung sino ba ang Mikael na 'yon.

May mga alaalala rin ang madalas na nagre-replay sa utak ko. May mga lalaki pero hindi malinaw ang mukha nila.

Pero ang boses, malinaw na malinaw sa akin ang boses at isa na roon ang boses ng kapatid ko, si kuya Iko.

"Okay ka lang, bunso?" nag-aalalang tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Umiling ako at tipid na ngumiti. Kahit sumasakit pa rin hanggang ngayon ang ulo ko. Para itong mabibitak at unti-unting lumilitaw sa utak ko ang nawala kong alaala...

Two years ago ay nagkaroon ako ng car accident and I was in coma for two weeks. Nagising lang ako na tila isang sanggol, walang maalala na tila noon lang ako ipinanganak. Kahit ang pangalan ko ay hindi ko matandaan.

Lahat ng mga taong naka-salumaha ko ay hindi pamilyar sa akin, maliban kay kuya Iko na sa kanya lang ako naging komportable. Pamilyar din naman sa akin ang kapatid ko.

Noon, umiiyak ako kasi parang may gusto akong maalala pero ang hirap din. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na maka-alala kasi sumasakit lang ang ulo ko.

Ang sabi ng naging doktor ko ay hindi naman tatagal ay babalik din naman daw ang mga alaala ko. Basta huwag ko lang daw pilitin. Kusa lang daw iyon magbabalik.

Pero two years na ang nakalipas and until now, I can't remember my oblivion memories...

"Wala lang po 'to, kuya," wika ko at tumango na lamang siya saka muling binalikan si Jean.

I took a deep breath and I sat down on the bench. Hinawakan ko ang kuwintas ko na nagbibigay sa akin ng lakas na hindi ko alam kung paano nangyari.

CDL, three letters ang pendant ng kuwintas ko. Hindi ko rin maalala kung sino ang nagbigay nito sa akin.

Wanna know my real name?

I'm Anne Junelyn Cascabel Hermoso Brilliantes... AJ for short.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon