CHAPTER 5

2K 44 0
                                    

Chapter 5: Miko's death

"HEY, What is the meaning of this?" I curiously asked him. CEO Crimson Del Labiba.

After our conference meeting ay umalis na ang kakambal niyang architect, then bigla niya akong inaya somewhere in office.

"Our new engineer must have an office, here in our company, you know. This is gonna be your workplace, Engineer Mikael," he clearly answered. My head knotted.

"I don't need it, besides madalas naman ako sa site," tanggi ko.

He's right, kailangan ko nga ng bagong opisina rito sa company nila. As a new engineer ay required na nandito ako lalo na isa akong head engineer nila.

But being with this guy? Nah, hindi ko matatagalan. Work with him? Feeling ko ay ma-stress lang ako rito araw-araw.

"H-Hey! Distance!" I shouted him, when he stepped closer towards me.

Ang dalawang kamay niya ay naka-suksok sa pocket niya at may mapaglaro na namang ngisi sa labi niya. Like seriously?

Napasandal ako sa nakasarang pinto ng opisina. Hayan na naman ang bilis nang tibok ng puso ko. Hayan na naman ang panginginig ng buong sistema ko. Hayan na naman ang pagkailang ko sa kanya. Nawawala ako sa sarili sa tuwing nandiyan siya.

Nanuot na naman sa ilong ko ang pabango niya na ikinapikit ng mga mata ko. Palagi na lang, eh!

I heard him chuckled before he opened the door behind me. Mabilis na yumakap ang braso niya sa baiwang ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"What are you doing?!" sigaw ko sa kanya nang binuhat niya ako bigla sa baiwang ko kaya nakapasok kami sa loob.

"Nakaharang ka po engineer. Gusto mong sabay tayong mag-work out? Ang gaan-gaan mo lang, seriously? May abs ka ba? Muscles? Biceps?" Ano naman 'yon? Walang hiya ang isang 'to. Kung anu-ano ang itinatanong sa akin. Baka muscle sa dibdib, meron. Note the sarcasm.

"You are feeling close, Mr. CEO," I commented and he just shrugged his shoulder.

Lumayo ako nang bahagya sa kanya at lumapit ako sa table. May kalakihan ang opisina, malinis ito at may iilang mga gamit na rin. Grey and white ang structure nito, my favorite colors.

Sa right side ay may isang pinto na if I am not mistaken, comfort room ito. Napatingin ako sa left side ng opisina. May glass wall ito at kitang-kita ang kabilang office na hindi ko alam kung kanino.

"Oh, that's my office!" dinig kong saad niya. I was shocked.

"Where is my privacy, Mr. CEO? Binigyan mo na nga ako ng workplace ko pero wala naman akong privacy!" nagngingitngit na sabi ko at tumaas na naman ang sulok ng labi niya.

"Not my problem. Ang sungit mo naman engineer, may dalaw po ba tayo ngayon?" nanunuyang tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niyang 'dalaw'.

Nakaka-stress siya sa totoo lang!

"Leave my office," utos ko pero isa yata siyang makulit na lalaki dahil sa halip na sundin ang utos ko ay umupo pa siya sa visitor's chair.

Napahilot ako sa sentido ko. Tumaas bigla ang dugo ko sa lalaking ito. Sa conference meeting ay seryoso naman siya. Hindi naman siya ganito kanina. Wala ngang emosyon ang mukha niya at nakatutok talaga siya sa presentation ng kakambal niya pero bakit ngayon? Pakiramdam ko kaharap ko ang isang five years old na bata?

"This is my company," mayabang na wika niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Suko ako sa kakulitan niya.

Ilang segundo kaming kinain nang katahimikan ng maputol iyon nang nag-iingay niyang cellphone. I heard him groaned before he answered the call.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon