CHAPTER 15

2K 43 0
                                    

Chapter 15 : Jaw dropped/His girlfriend, Mikael

"MOM! Stop it, Dad! Ikaw rin, Drimson!" sigaw ni Crimson, matapos niyang ikuwento sa parents niya ang kaninang nangyaring kaguluhan na siya mismo ang nag-caused nito.

Tawa lang nang tawa ang parents niya. Ang kakambal niya na umiiling lang ngunit nangibabaw ang mapang-asar na ngisi niya sa labi. Kaya busangot ang muka ni Crim at parang na-stress na siya.

Umayos naman nang pagkakaupo ang mga ito at pinunasan pa ang luhang nangingilid sa mga mata nila. Nahimasmasan na rin sila, marahil.

"Okay, baby. I can handle Mikael for you. Marami akong mga damit na alam kong...kasya sa kanya," his mother said at saka siya tumayo. Inalalayan niya akong makatayo.

"Kung naging babae ka lang, Mikael. Alam kong qualified ka as a candidate of Miss Universe. Magiging suki ka pa yata ng beauty pageant, baka maging big star ka ng Philippines," compliment na naman niya sa akin.

Naalala ko naman noong college pa kami ni kuya Miko. Pinipilit ng mga schoolmates and classmates namin na maging Mr. Campus or maging escort ako sa beauty pageant. Pero lahat inako ng kuya ko kaya naging safe ako ro'n. Pero hindi noong grade school pa ako. Ang mga teacher mismo ang nagpupumilit sa akin na maging escort ng muse. That's I don't have any choice.

"But are you sure na hindi labag sa kalooban niya na gawin ito, Crim baby? Hindi mo naman siya siguro pinilit or baka gumamit ka ng blackmail sa kanya? Alam naman natin ang tungkol sa Brilliantes clan na walang babae sa pamilya nila at kung malalaman ito especially the media ay para mo na ring hinukayan ng libingan ang engineer," may pag-aalala sa boses na wika ng ginang.

"Your mom is right, son," pagsang-ayon naman ng ama niya.

"It's fine, dad. Hindi naman 'yon totoo, right Engr. Mikael?" tanong sa akin ni Arct. Drimson at nakataas pa ang kaliwang kilay niya.

Parang may bumara sa lalamunan ko. Tila ba na may nalalaman siyang sekreto ko. "Yeah," sagot ko.

"Besides wala namang makakaalam nito maliban na lang sa babaeng naka-date ni Engr. Mikael pero alam kong kaya na 'yon ni kuya Crim. Mom, let them be," he added.

"I'm sorry, Mikael kung nadamay ka sa gulo na ginawa ng anak ko," hinging paumanhin sa akin ng mommy ni Crim.

Approachable ang parents nina Crimson at napakabait nila. Magaan kausap kahit na medyo naiilang pa rin ako sa kanila. Hindi ako sanay na binibigyan ako ng special treatment lalo na ngayon pa lang naman kami nagkakakilala.

Nasa silid kami ng asawa niya at kasalukuyang hinahanapan ako ng damit na susuotin ko mamayang dinner. Doon sa mansion ng tita ni Crim.

Inaamin ko at this moment ay nag-uumapaw ang kaba ko sa dibdib. Natatakot ako na baka mas malaking gulo ito kung malalaman ng family ko. Pero katulad ng sinabi niya sa akin na siya ang bahala sa problemang mangyayari in the future.

Sa pagkakataon na ito, I trust Crimson. Siya na lang ang pinanghahawakan ko.

Pumasok kami sa walk-in-closet nila. Malaki ang space nito at bubungad sa 'yo kaagad ang magaganda at halatang expensive na damit.

May mga black leather shoes sa rack at nasa tabi lang din nito ang heels ng ginang. Ang formal, office suit ay maayos at malinis na naka-hanger.

"Pero paminsan-minsan naman nag-co-cause ng trouble ang kambal ko. My sons is a good boy, Mikael," pagkukuwento sa akin ng ginang. Sabi niya kanina tawagin ko raw siyang mama, naiilang ako na tawagin ko siyang ganoon.

May inabot siyang gold long gown sa drawer at inabot ito sa akin. Nakangiti pa siya at nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.

"Bagay 'to sa 'yo, Mikael. You know, uhm...sorry to say this. But I am happy that my son caused a trouble like this. Dahil makikita ko ang beautiful man na magsusuot ng mga damit na ako mismo ang nag-design," masayang sabi niya. Oh, so? She's a designer?

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon