CHAPTER 9

2K 49 1
                                    

Chapter 9:Bact to work

BUMABA na ako mula sa sasakyan niya. Hinatid niya ako mismo sa condominium building. Stalker kaya siya kaya nalaman niya ang condo na tinutuluyan ko ngayon? Kasi nga paano niya nalaman na rito ako nakatira? Hindi naman kami close at hindi ko nasabi sa kanya ang address ko.

"Huwag ka nang bumaba! You may leave now," sabi ko nang akma siyang bababa na. Pero hindi niya ako pinansin. Bumaba pa rin siya at ngumisi sa akin.

"Sorry to hurt your bubbles, Engineer Mikael. Dito rin ako nakatira," nakangising sabi niya at halos malaglag ang panga ko.

Dalawang taon na akong nanunuluyan dito sa condo kasama ang kuya ko pero never kong nakita si Crimson dito.

"Matagal na ba?" tanong ko. Medyo pahiya ako roon.

Umiling siya at napakagat-labi pa. What the? Bakit ang sexy niyang tingnan kapag ganoon? I shook my head repeatedly.

"One day ago," sagot niya at namilog ang mga mata ko.

"Yesterday?" hindi makapaniwalang tanong ko. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko mula sa likod ko at naglakad na siya kaya lumakad na rin ako. Na isa pa ay tulak-tulak niya ako, eh.

"Get off, Del Labiba. Don't touch me!" supladang sabi ko. Siya lang ang lalaking nagagawang hawakan ako at halos manlambot na ang tuhod ko dahil sa presensiya niya!

"I'm your friend, now. Engineer Mikael. Magkapit-bahay lang tayo," aniya at pilit na nagpupumiglas ako sa hawak niya.

"Don't move, you looks like a gay. That afraid to touch by someone," natatawa niyang komento at kung hindi lang talaga siya malakas ay baka kanina ko pa siya siniko sa tagiliran niya.

"Idiot, gay loves men! Baka masiyahan pa iyon, but not me! I'm a boy!" sigaw ko at huminto kami sa elevator. Bumukas ito kaagad kaya pumasok na ako. Sumunod naman siya.

"So, I'm a gay, then?" tila inosenteng tanong niya sa akin at parang huminto ang pag-iisip ko. B-Bakit naman niya 'yon nasabi? Bakla siya?

"W-What do you mean?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Lumalim ang gatla sa noo ko.

"I am happy when I touch your skin," diretsong sagot niya at napaatras ako dahil sa paghakbang niya.

"Can you feel that?" tanong niya sa mahinang boses at kinuha ang kamay ko at itinapat ito sa dibdib niya.

Mas lumaki pa tuloy ang mga mata ko. Para akong nakakita ng multo dahil sa kanya!

"You're crazy," sabi ko at kung may ikakalaki pa ba ang mata ko ay ewan ko na lang.

"L-Lumayo k-ka nga..." nauutal kong sambit. Mas lumalapit kasi siya sa akin at wala na akong mauurungan pa kundi ang malamig na pader ng elevator. Kulang na lang ay gawin niya rin ang ginagawa ng mga bidang lalaki sa TV drama. 'Yong ii-stuck niya ang bidang babae gamit ang bisig niya.

Napahiwalay lang siya sa akin nang makarinig kami nang pagtikhim mula sa likod niya. Gusto ko tuloy ilubog ang sarili ko sa malalim na dagat dahil sa kahihiyan.

May dalawang babae kasi ang sumakay sa elevator at hindi makapaniwalang nakatitig ito sa amin. Laglag panga sila pareho at palipat-lipat ang tingin sa amin. 

Tumabi sa akin si Crimson kaya siniko ko siya. Narinig ko ang mahinang pagdaing niya.

"That hurts, baby..." aniya at ang akala mo ay nasaktan talaga.

"Mag-jowa ba sila?"

"Siguro nga, bes. Ang close nila masyado, eh."

"Parehong lalaki?" 

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon