CHAPTER 21

2.2K 40 0
                                    

Chapter 21: Jealous over Morry

KATULAD ng unang beses akong dinala ni Crimson sa mansion nila, kahit hindi pa man ako nakikilala ng parents niya ay ngayon parang parte na ako ng pamilya nila. Mainit na tinanggap nila ako.

Inasikaso ako ng maayos ni...okay, Mommy C. Croi Laksamana-Del Labiba ang full name niya and former actress. Na minsan ko na rin siyang nakita sa TV noon. 

"Oh hi, Mikael, nandito ka pala. Kasama mo ba si Crim?" tanong sa akin ni tito D, pagkapasok niya sa living area at may dalang tray na naglalaman ng cookies and drinks.

"Hindi po, tito. One month na po kaming hindi nagkikita," sabi ko. Sinabi ko 'yon sa paraan na hindi malungkot.

Kahit na sa loob-loob ko ay talagang nalulungkot ako, sapagkat pagkatapos nang eksena na nadatnan ni Morry Tsumaga sa unit ni Crim ay hindi na ako nilapitan, kinulit pa nito.

I understand, girlfriend niya si Morry at nakikita ko sa mga mata niya na guilty siya sa ginawa niya. Takot na takot na nga siya noong nakita niyang umiiyak ang babae at alam ko na mahal na mahal niya ito.

Ano lang ba ako na lalaki naman sa paningin niya? Isa lang akong engineer na may hawak ng project nila, tauhan niya lamang.

"Bakit naman?" tanong ni tito sa akin.

Ngumiti ako, "naging abala na po kasi kami sa site, eh. Two months na rin 'yon since nasimulan namin," sagot ko at napatango ang mag-asawa.

"May problema ka ba, darling? Kahit walang emosyon ang mukha mo ay nakikita at nababasa ko sa mga mata mo ang lungkot. May bumagabag ba isipan mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni mommy C at inabot sa akin ang juice na manggo flavor. 

Kaagad ko naman itong tinanggap at uminum. "Yes po. Family problem. Hindi ko nga rin po alam kung bakit naisip ko na rito pumunta. Dati po sana ay si k-kuya Miko ang pinupuntahan ko pero ngayon ay wala na siya..." I took a deep breath. Masakit pa until now ang pagkawala ng kuya ko.

Minsan nga ay hinihiling ko na dalawin niya ako sa panaginip ko pero hindi naman nangyayari. Pati sa panaginip man lang ay ipinagkakait sa akin ni Lord ang makasama at makita muli ang kapatid ko.

Tumayo si mommy A at tumabi sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at niyakap ako.

"Okay lang 'yan, Mik. Kailangan mo lang maging matatag. May mga tao kasi na dumarating lang sa buhay natin para bigyan tayo ng advice, kakampi at kaibigan, upang mas maging matatag tayo. Dumarating sila sa mga oras na akala mo ay tinalikuran ka na ng mundo pero natatapos din naman ang role nila. Sa susunod na pagsubok mo sa buhay ay ikaw na mismo ang haharap at lumaban. Malay mo isa palang anghel ang kuya mo na pinadala sa 'yo ng Panginoon at noong okay ka na, na nakikita na niyang malakas na ang loob mo, na matapang ka na at handa nang harapin ang realidad ay ro'n na rin natapos ang misyon niya sa 'yo," mahabang sabi niya at napangiti ako.

"Salamat po, saka...'yong mommy--stepmom ko po kasi ay gusto niyang magpa-surgery ako sa America," saad ko at parang nahihiya pa ako na sabihin ng diretso.

"May sakit ka?" tito D asked me.

"W-Wala po," sagot ko kaagad.

"So, bakit ka--oh my, God! Don't tell me na gusto niyang maging lalaki ka na talaga?!" gulat na gulat na tanong ni mommy C. Napaiwas ako nang tingin pero tumango lang ako.

"What a b-tch. Don't be offend ha, darling. Nakakagigil lang talaga ang stepmother mo na 'yan. Ma-meet nga minsan, oobserbahan ko talaga siya," sabi pa nito.

"I was about to agree h--"

"Oh, no! Don't do that, dear! Sayang ang lahi niyo ng anak ko!" 

"P-Po?" 

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon