CHAPTER 35

2.8K 50 0
                                    


Chapter 35 :Behind the incident

"I'M HERE," dinig kong sambit ni kuya Miko at napabitaw sa akin si Crimson.

"Kuya Miko!" naiiyak na tawag ko sa kuya ko at patakbong lumapit sa kanya. Lumakas ang hikbi ko nang mayakap ko na siya for real.

"Kuya..."

"Ssh...nandito na ako," malambing na sambit niya sa akin habang niyakap niya ako pabalik.

Naalala ko na, naalala ko na ang lahat. Naalala ko na namatay si kuya Miko, kung paano ako nawalan ng kakampi at kapatid. Naalala ko na sobra akong nasaktan sa pagkawala niya.

Pero hindi ko akalain na darating din pala ang araw na muli ko siyang mayayakap nang ganito.

"W-What...how come... Miko," sambit ni kuya Markus, nasa boses niya ang pagkagulat.

"I'll explain you everything, kuya," wika ni kuya Miko.

Ilang saglit lang ay nahimasmasan ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. Huminga muna ako nang malalim saka ako lumapit kay Crimson.

Nang makalapit ako sa kanya ay hinampas ko ang dibdib niya. "Ouch, baby!" daing niya nang hindi ko na siya tinigilan sa pananakit ko sa kanya.

"I hate you! I hate you, so much!" sigaw ko sa kanya at nagsimula nang maglandas ang mga luha ko sa pisngi ko. Dahil naalala ko ang ginawa niya sa akin noon.

Sinaktan niya ako! Nang malaman niya ang katotohanan, ang sekreto ko ay tinakbuhan niya ako. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya! Napaka-unfair niya.

"What is it, baby?" tanong niya sa akin sa malambing na boses at hinuli niya ang magkabilang braso ko saka niya ako tinitigan ng diretso sa mga mata ko.

"I hate y--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil siniil niya ako ng halik, kaya nagpumiglas ako nang pinutol niya ang halik na iyon.

"You didn't mean that, baby..."

"I hate you! Hindi ka dumating noong nag-text ako sa 'yo na pumunta ka sa bridge! Hindi mo sinasagot ang tawag ko!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang paglandas ng mga luha niya sa pisngi niya bago niya ako niyakap nang mahigpit.

"Nakakaalala ka na, baby..." Napasubsob ako sa dibdib niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa ulo ko.

Tahimik lang nagmamasid sa amin ang kasamahan namin habang nagda-drama kami rito ni Crimson.

"H-Hindi ba fiancée mo rin si Morry?" naiiyak ko pa ring tanong sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iling niya.

"No... Who told you that Morry is my fiancée? Wala na nga kami no'n since tanggap ko sa sarili ko na bakla ako!" sabi niya, nasa boses niya ang pagkadismaya at nakarinig naman kami nang tawanan sa loob.

Pero iyon ang sinabi sa akin ni Gabril Santa Maria! Kaya ko naisipan na umalis noon at makipagkita sa kanya.  Pero hindi naman siya dumating.

"Si Gabril!" pasigaw na sagot ko at nakarinig kami nang pag-ubo ng isang tao.

"Santa Maria!" Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Crimson at hinabol niya si Gabril na nagmamadali nang lumabas sa loob ng opisina ni Dra. J.

"Hey," tawag pansin sa akin ni kuya Markus. Nang masulyapan ko si kuya Miko ay nasa tabi na siya ni Jean.

"Can you tell us kung ano ba ang naaalala mo after the news was spread that you were died from the car accident?" he asked me and I nodded.

Pinaupo ako ni kuya Markus sa sofa, nasa tapat ko lang sina Jean at kuya Miko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon