CHAPTER 28

2.5K 45 0
                                    

Chapter 28: Penmanship

"Let's get out of here," I heard kuya Markus said habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. I buried my face on his chest.

"Markin, stop the media!" kuya Michael shouted.

Nagkakagulo na sa paligid pero hindi ko man lang kayang igalaw ang katawan ko at wala rin akong tigil sa kaiiyak ko.

"Ssh...stop crying, baby..." Mas lalo lang 'ata lumakas ang hikbi ko when I heard the word, 'baby'.

"K-Kuya...ang sakit... A-Ang sakit, k-kuya..." umiiyak na sambit ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa damit ni kuya Markus.

"Ssh... Everything is gonna be fine, baby. Don't cry," he said softly.

N-Ngayon lang... Ngayon ko lang narinig ang ganoong boses niya. Na tila bata ang kausap niya at napaka-lambing nang pagkakasabi niya sa mga katagang iyon.

Naramdaman ko naman na may humintong sasakyan sa tapat namin habang walang tigil ang mga media sa pagkuha ng litrato sa amin.

"Hop in, kuya!" dinig kong sigaw ni kuya Mergus at walang imik na pinangko ako ng kapatid ko.

Ibinaba niya ako sa sasakyan ni kuya Mergus at sinuotan ng seatbelt.

"Mergus, Michael, kayo na muna ang bahala kay Mikael. I'll just check our grandpa," seryosong saad ni kuya Markus.

He was about to leave the car when I stopped him at hinila ko ang sleeves ng damit niya.

"S-Stay with me...kuya," I pleaded.

Si kuya Miko, si kuya Miko ang gusto kong makasama ko sa totoo lang pero wala naman siya rito...

Nagmulat ako ng mga mata at ang gulat na expression ng mga kapatid ko ang bumungad sa akin.

Si kuya Mergus na nasa driver's seat, si kuya Michael na nasa pinto ng back seat sa right.

Si kuya Markus naman ang nasa left side ng sasakyan at nasa likod niya rin si kuya Markin at pati mga pinsan ko na sina Daziel and Zeland.

"We'll check our grandpa, kuya. Ikaw na lang ang sumama kay Mikael," pagpi-presinta ni kuya Markin.

"Marami naman kami rito, pinsan. Mas kailangan ka ng bunso natin," nakangiting sambit ni Daziel at kumindat pa sa akin.

"Iyong mga pinsan natin ay tumutulong na rin sa mga security na pigilang makalapit sa atin ang mga media at nandoon naman si uncle M at dinala na nila sa hospital si grandpa," Zeland said.

"Alright. Let's go, Mergus," sambit ni kuya at sumakay na rin sa back seat.

"What happened?" kaagad na tanong sa akin ng mga kuya ko.

Tila may bumabara sa lalamunan ko at hindi ko na magawang ilabas ang boses ko. Mukhang napansin nila iyon lahat kaya kumuha ng bottled water si kuya Michael at si kuya Markus ang kumuha nito saka niya iyon binuksan at ibinigay sa akin.

"Now, what happened?" my eldest brother asked me when I'm done drinking my water.

"I-It's Crimson," sagot ko at napayuko. May mga luha na naman ang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko.

Tila naging punching bag ang dibdib ko at paulit-ulit na sinusuntok ito. Dahilan ng pagkirot  na naman ng puso ko.

A-Akala ko ba...hindi niya iyon gagawin? Na kung ano man ang malaman niya, na kung ano man ang itinago ko mula sa kanya, na kung nagsinungaling man ako ay maiintindihan niya ako?

Na mauunawaan niya kung bakit ako nagsinungaling. Na mapapatawad niya ako. Ang sabi pa niya ay pareho kaming tatakas kung sakaling talikuran man ako ng pamilya ko.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at nailabas ko na ito. Lumakas ang hikbi ko.

"It's okay, Mikael. You can cry, ilabas mo lang 'yan lahat," kuya said softly and he pulled me to his arms. I buried my face on his chest again as I felt his hands caressed my back.

"A-Ang s-sakit kuya... A-Ang sakit-sakit... Pagod na rin ako, k-kuya..." humihikbing sambit ko.

"Ssh... We're still here, Mikael..."

"Is she okay? Ngayon ko lang nakitang nag-breakdown si Mikael," dining kong saad ni kuya Mergus, while kuya Michael was cursing over and over again.

"Ano'ng ginawa ng lalaking iyon sa 'yo, Mikael?" tanong sa akin ni kuya Michael. Nasa boses niya ang galit.

Umiling lang ako dahil ayokong sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Crimson. It was my fault. Dapat ako lang ang i-blame dahil naglihim ako at nagsinungaling ako. I lied to him.

Sa gabing iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iyak ko. I just woke up the next day ay nasa unit na ako and I'm alone...

Wala na rito ang mga kuya ko at mag-isa na naman akong nakakulong sa loob ng condo ko.

Maingat na bumangon ako at ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko.

Inabot ko ang picture frame namin ni kuya Miko. Pareho kaming nakangiti, kinuha ito noong pareho naming first day sa firm.

Hinaplos ko ang mukha ng kapatid ko at nagsisi-bagsakan na naman ang mga luha ko sa pisngi ko.

"Miss na miss na kita, kuya.... N-Nasaan ka na, k-kuya ko? K-Kailangan kita, eh. Kuya..." Dinala ko sa dibdib ko ang litrato namin at napahagulhol.

Bakit ganoon na lamang na natapos ang lahat? Bakit ang daling matapos ang kuwento namin ni Crimson? Bakit ang dali niya rin akong bitawan?

Hindi man lang niya ako pinakinggan, hindi man lang niya ako hinintay na magpaliwanag sa lahat ng kasinungalingan ko.

Na hindi ko naman intensyon na ilihim iyon pero dahil sa paniniwala ng pamilya ko ay kailangan kong gawin iyon. Para lamang matanggap nina dad at grandpa.

Mas ako ang nahirapan...

Lumipas ang isang linggo at nakakulong lang ako sa unit ko. Ni hindi rin ako kumakain nang maayos. Minsan pa ay natutulugan ko na lang na walang laman ang sikmura ko.

Mas nasasaktan lang ako lalo dahil hindi na nagpakita sa akin ang mga kapatid ko. Pareho lang sila ni Crimson.

Ang hilig-hilig magbitaw ng salita na hindi naman nila tinutupad. Sinungaling silang lahat.

2:15 PM na nang tiningnan ko ang digital clock ko sa bed-side table ko at nakaupo lang ako sa kama ko habang nakasandal sa headboard.

Then, nag-bell ang pinto sa unit ko. Sa una ay hindi ko na sana iyon papansinin pa dahil wala na akong inaasahan na dadalawin pa ako ng mga kuya, kung sakaling sila man ang narito.

Pero paulit-ulit na pinindot ang doorbell ko kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at tingnan ang tao sa labas but I found nothing.

Maliban sa isang paper bag na may tatak na Food Panda. My brows furrowed at kusa ko na lang itong pinulot sa sahig saka ko sinara ang pinto. Dumiretso ako sa sala ko at inilapag doon ang paper bag.

Sino kaya ang nagpadala sa akin nito? Sina kuya ba? Napansin ko na may maliit na card sa loob kaya kinuha ko ito.

Nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang laman.

"Please, take care of your self, Mik. Eat your foods and stop crying. Babalik din sa dati ang lahat. Be brave and I love you, always remember that."

-Kuya M.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang penmanship. P-Pamilyar sa akin pero naguguluhan ako kung sino sa mga kuya ko ang nagsulat nito.

Mik...

Napatayo ako at nagmamadaling lumabas sa unit ko. I-Isang tao lang ang tumatawag sa akin no'n. Isang tao lang naman ang nag-aalala sa akin. Pero mali bang isipin ko na buhay siya?

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon