CHAPTER 25

2.4K 40 0
                                    

Chapter 25: Official

"PAANO kung babae pala ako?" Kinakabahan man ako sa tanong kong iyon sa kanya ay gusto ko ring malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.

Wala akong planong aminin sa kanya kung ano ba talaga ako. Dahil hindi pa ako handa, hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ang sekreto ko.

"Eh, 'di masaya! Para hindi sayang ang lahi ko sabi ng mommy ko," nakangiting saad niya. Napatawa na lamang ako sa sagot niya.

Nawala na ang kaba ko sa dibdib. Sana lang, sana lang ay ganoon lang ang reaksyon mo, Crim. Natatakot lang talaga ako na magagalit ka sa akin.

"Tayo na? Tayo na ba, Mikael?" naglalambing na tanong naman niya sa akin.

Huminga ako nang malalim. "Gusto kita, Crim," sabi ko at natigilan pa siya.

Napakurap-kurap pa. "Gustung-gusto kita pero natatakot ako na baka masaktan kita," sabi ko sa malungkot na boses. Lumapit siya sa akin para mayakap ako at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. I sniff his scent to calm me.

"Hindi mo ako masasaktan, Mikael..." mahinang bulong niya sa akin at naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa gilid ng noo ko.

"Gusto rin kita..."

NASA SITE ako ngayon at abala sa trabaho. Nakatayo lang ako sa hindi pa masyadong buo na gusaling papatayuin naming hotel.

Tirik na tirik pa ang araw kaya medyo mainit din ang panahon. Kasama ko kanina ang co-engineer ko sa pagtsi-check ng mga materyales na kakailanganin pa namin at naiwan na rin akong mag-isa pagkatapos no'n.

Tinanggal ko ang hard hat ko at bago ko pa mapunasan ang pawis ko sa noo nang may gumawa na no'n sa akin.

Napaatras ako sa gulat at mabilis na nag-init ang pisngi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay habang pinupunasan ang pawis ko sa noo pababa sa leeg ko.

Pareho naman kaming napatingin sa itaas ng may bagay ang biglang nahulog do'n pero malayo naman ito sa direksyon namin.

Bigla akong nahiya nang makita ko ang mga construction worker na natulala lang sa amin. Nasa itaas sila at may inaayos na kisame ng building.

"What?" Crimson asked me habang nakataas pa rin ang isang kilay.

Inagaw naman niya sa akin ang hard hat ko saka ako hinila sa braso. Lumabas kami sa gusali at dinala niya ako sa tent.

Pinaupo niya ako at tumabi naman siya sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang yakapin niya ako patagilid.

"C-Crim, ano ka ba naman! Nasa site tayo," pabulong na saad ko at marahan na tinutulak ko siya palayo pero hindi man lang nagpapatinag.

He rested his chin on my right shoulder at nararamdaman ko ang mahihinang pagbuga niya ng hangin.

"C-Crim..." parang kakapusin na hiningang wika ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"I hate myself, baby..." mabibigat ang mga katagang binigkas niya. 

"Crim."

"Nakipaghiwalay na ako kay Morry at nasaktan ko siya. Pinaiyak ko siya, Mikael. A-Ang ayaw ko sa lahat ay iyong umiiyak ang babae," pagkukuwento niya sa akin at bumuntong-hininga.

Napapapikit-mata ako habang tumatama sa pisngi at leeg ko ang mainit at mabango niyang hininga. Hinawakan ko ang kamay niya pero naglulumikot pa rin ang mga mata ko dahil binabantayan ko kung may tao ba ang papasok sa loob ng tent at mayroon nga.

Muntik nang maibuga ni Architect Drimson ang tubig na iniinom niya nang makita niya kaming dalawa. 

Nahihiyang ngumiti na lang ako tapos umiiling lang siya. Pero si Crim.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon