EPILOGUE

4.1K 66 1
                                    


Epilogue

"C-Crimson..." bigkas niya sa pangalan ko habang nanginginig ang mga labi niya.

"Sorry for what happened two years ago, baby. Alam ko na nasaktan kita noon. But you can't blame me kasi sobra kitang mahal noon at hindi ko tanggap na kayang-kaya mo akong saktan ng dahil lang doon. I'll go straight to the point, Mikael. I, Crimson Del Labiba, wanted to be part of your life and do you want to share your life for me, too baby? Will you marry me?" I sincerely asked her, as a tear fell in my eyes.

Surprise, happiness and love is evident on her beautiful eyes. Kumikislap din ito at nag-uunahan nang bumagsak ang mga luha niya.

"S-Stand up," mahinang sabi niya at nangangatal ang boses. Ngumiti ako at umiling.

"You don't need to do this, Crimson."

"Baby, come on," nakangusong sabi ko at napatingin siya sa singsing na pinagawa ko talaga sa kanya. It was a simple ring with a blue diamond. Simple nga pero mahal ang presyo nito but I don't care, para ito sa babaeng tinitibok ng puso ko.

"Kahit hindi mo pagsigawan sa mundo na mahal mo ako at pakakasalan. My answer is still yes," naluluhang sabi niya and I automatically whispered to ear a 'yes'.

Ibinaba ko ang mic sa sahig. Mabilis na sinuot ko ang singsing sa daliri niya at tumayo.

Mahigpit na niyakap ko siya at hinalikan sa buhok. Masagabong palakpak naman ang ibinigay sa amin ng mga guest.

"Congratulations!"

Napadaing ako sa sakit nang mariin na kinurot ni Mikael ang tagiliran ko.

"That hurts, baby," reklamo ko pero malamhing ang pagkakasabi ko.

"Nakakahiya," sagot niya at napangisi na lang ako. Talagang mahiyain ang fiancée ko. D*mn I can't wait to marry her.

"Oh, that's enough," dinig kong sambit ng isa sa kuya ni Mikael.

"Markin," bigkas ko sa pangalan ng lalaking humila kay Mikael at dinala ito sa likod niya.

Lumapit din sa amin ang iba nilang kapatid. Si Michael na kunot-noo lang at blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nakuha mo man ang 'yes' ng bunso namin ay dadaan ka na muna sa amin, Del Labiba," malamig na saad ni Mergus at pinagkrus pa ang mga braso niya.

"I'm still here," singit naman ni Markus at tinapik-tapik pa ang kaliwang balikat ko.

Tumingin naman ako kay Miko na nagkibit-balikat lang. "You have my blessing already," nakangising sabi niya at napahinga ako nang malalim. Ang dami kasing kuya ni Mikael! Sh*t talaga.

"At may mga pinsan din," ani Daziel at inakbayan pa ang baby ko.

"Baby..." tawag ko sa kanya pero katulad ng reaksyon ni Miko ay nagkibit-balikat din siya at ngumisi.

"Liligawan mo pa 'ata ang mga kuya at pinsan ko, baby, eh," sabi niya at may multong ngiti na ang gumuhit sa labi ko. Mag pagka-sweet naman pala ang engineer ko, eh.

"Mamamanhikan na ba tayo, kuya? Ihahanda na ba natin ang pera natin para sa dowry ni AJ? Kasi tiyak na lalaki-laki, eh. Nag-iisang anak na babae sa pamilya," pananakot sa akin ng kakambal ko. Urgh, wala akong pakialam kung maghirap man ako sa dowry ng babaeng mahal ko basta ba ay mapapakasalan ko siya.

Pero nakakainis, kailangan pa bang ligawan ang mga kapatid at mga pinsan niya? Para lamang makuha ang blessings nila? Eh, ang dami kaya nila!

"Puwede kang mangutang sa akin, Crim," natatawang sabi ni Cyan.

"Shut up, Cyan. Hindi ka nakakatulong," iritadong sabi ko sa kanya.

"Pahihiramin din kita ng pera, dude," sambit naman ni Ark.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon