Chapter 13

5.5K 134 0
                                    

Habang papalapit si Ram ay parang slow motion. Iyon na yata ang pinakamahabang minuto ng buhay ko. Huminto siya sa tabi ko kaya lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ang kanyang mga mata'y tila nangniningning habang tinititigan ako. Tumayo si Dave at lumigid para lapitan ito.

"Good evening." he greeted.

"It's indeed a good evening." Ram responded absentmindedly. He didn't bother to look at him cause his eyes are set on me.

"Thank you for inviting us." Dave said as he offered his hand.

"No. Thank you for coming." he replied as he shook hands with Dave.

"Hi." I greeted awkwardly. Finally! I was able to say something.

"Hello, hot babe. May I know your name?" nakangising wika nito.

Bumulaslas ng tawa ang mga magkakaibigan. Marahas ko silang nilingon at tiningnan nang masama para tumigil. Huminto sila ngunit bakas sa mukha nila ang pinipigilang ngiti. Ito naman kasing Ram na 'to nakikisali pa sa panunukso. Naiilang tuloy ako sa mga tingin niya.

"Ang haba ng hair mo, girl. Tulo laway ang mga luko-lukong 'to. Palibasa, mahihilig sa mga magagandang babae." komento ni Trishia.

"Dapat nga ay ma-flattered pa kayo dahil sa mga tulad niyong magaganda lang kami tumitingin." tumatawang sagot naman ng kanyang nobyo.

"Sapak gusto mo?" banta nito. Kiss lang sa pisngi ang naging tugon nito sa nobya.

Samantala, tumikhim si Ram para kunin ang aming atensiyon.

"Please come with me. I'll introduce both of you to my parents." wika nito kay Dave at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa akin.

Tumayo ako nang pumwesto si Ram sa likuran ko. Hinila niya ang aking upuan at inalok ang kanyang braso para ikawit sa kanya ang kamay ko. Pilit kong itinago ang panginginig ng aking mga kamay. Kulang na lang ay mahimatay ako sa sobrang kaba.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago kumapit sa kanyang braso. Tumingin ako kay Dave at palihim itong tumango na tila sinasabing 'wag akong mag-aalala dahil hindi niya ako papabayaan.

"Let's go?" tanong ni Ram kay Dave. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kumpol na mga tao na masayang nag-uusap.

"You're gorgeous. I couldn't even take my eyes off you." bulong niya sa aking tenga.

Gusto kong mangilabot sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa aking pisngi. Hindi ako sumagot dahil tumingin ng makahulugan sa akin si Dave na nasa aking kanang bahagi. Mukhang naghihinala na ito sa mga ikinikilos ni Ram.

Huminto kami ilang dipa mula sa ilang taong nag-uusap kasama ang kanyang mga magulang.

"Ma." tawag niya sa kanyang ina. Lumingon naman ito at ngumiti nang makita kami.

"Excuse me for a while." wika nito sa mga kausap. Pagkatapos ay lumapit sa amin.

"What is it, son?" nangiting tanong nito sa kanyang anak.

"I just want you to meet my friends. Ma, this is Princess and her cousin Dave." pakilala nito sabay baling sa amin ni Dave.

"Guys, this is my beautiful mother, Danielle Alcantara Andrada." sabay kindat sa kanyang ina. Tumawa ito nang marahan.

"Hi. Nice to meet you." nangiting wika ni Mrs. Andrada pagkatapos ay bumeso sa akin at nakipagkamay naman kay Dave.

"Hello po. Happy Anniversary." nahihiyang bati ko.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon