Patakbo kaming lumapit sa sasakyan ko. Pagkapasok ko pa lang ay agad kong binuhay ang makina at pagkasara ng lahat ng pintuan ay pinaharurot ito paglabas ng parking lot. Buti na lang ay ang Land Cruiser ang pinili kong dalhin kung ang kotse ko ang dinala ko ay tiyak na may isa sa kanila ang magrereklamo.
"Dahan-dahan, brad." paalala ni Trevor na nasa passenger seat. Ngunit hindi ko pinansin ang sinabi nito. Sinisikap kong habulin ang sinasakyan nila.
"Kailan ba matatapos ang pagsunod-sunod natin sa babaeng 'yan." nagrereklamong tanong ni Will.
"Shut up, Will! Kanina ka pa! Hindi na magtatagal ay matatapos na ang pagrereklamo mo. Kapag nasigurado ko nang hindi na siya pag-iinitan ni Margie ay ako na mismo ang tatapos nito!" saway ko habang nagmamaneho.
Nakakainis na ang paglilitanya niya. Dumadagdag pa siya sa galit na nararamdaman ko.
"Huwag mo nang pansinin si Stefano Willard De Fierro. Wala kasing girlfriend kaya mainitin ang ulo." tusko ni Jim pagkatapos ay humalakhak ng nakakaloko.
"Hindi ko naman kailangan ng girlfriend. Bakit pa? Kung nakukuha ko naman ang gusto ko sa ibang babae. And may I remind you, Lester Jimuel Cordova pareho lang tayong walang girlfriend."
"May prinsesa naman ako." nakangising wika nito.
"What's this? Love Triangle?" komento ni Caelvin.
"The way I see it...It's Quadrangle." wika ni Will.
"Napakamalisyoso n'yo. Malay ba natin kung ano ang rason bakit kasama siya ni Tom."
"Will you all shut up!" sigaw ko.
Naririndi ako sa ingay nila. Kita na nga nilang abala ako sa pagmamaneho at pagsunod sa sinasakyan ng dalawa ay hindi pa nila makuhang manahimik. Nang makita kong lumiko ang sasakyan ay lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko. Sapagkat hindi 'yon ang daan papunta sa bahay ni Princess.
"Saan niya dadalhin ang prinsesa ko?"
"Kaya nga sinusundan para malaman." ingos ni Will.
"Masasapak ko ang walanghiyang Tommy na 'yon kapag may ginawa siyang hindi maganda kay Princess."
"Brad, kilala mo si Tom. Hindi niya magagawa kung ano man 'yang iniisip mo." wika ni Trevor. Nagtangis ang bagang ko sa komento niyang 'yon.
"Akala ko'y kilala ko nga siya. Hindi pa pala." malamig kong tugon.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Saka ko na sasabihin. Hindi lilipas ang araw na ito na hindi tayo magkakaharap-harap. Tatapusin ko na ang sinimulan niya."
Sumulyap ako sa rearview mirror at nakita kong nagkatinginan sila. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Pati si Trevor ay nilingon ang tatlo sa likuran. Inihinto ko sa gilid ng daan ang sasakyan nang makitang ipinasok ni Tommy ang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant.
"Kakain lang pala sila. Tara, dito na rin tayo kumain." balewalang wika ni Caelvin.
"Huwag! Hintayin natin silang makapasok. May palagay akong hindi ito gano'n ka-simple."
Nanahimik sila nang lumabas na si Tommy sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Princess. Pagkatapos ay pumasok sila sa loob at pumwesto sa mesang nasa gilid na kung saan ay kitang-kita sila sa labas dahil sa salamin lang ang wall ng restaurant. May lumapit agad na waiter pagkaupo pa lang nila at binigyan sila ng menu.
"Parang wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa nila. At isa pa'y wala naman yata tayong karapatan pigilan si Princess kung kanino niya gusto sumama. Bagkus ay dapat pa tayong mapanatag dahil alam nating safe siya kay Tommy." wika ni Trevor.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomanceShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...