Chapter 17

5.4K 140 1
                                    

 Binuksan ni Lester ang pintuan sa passenger seat at inilalayan ako papasok ngunit kulang na lang ay itulak ako na para bang papalag ako. Pagkasara ng pinto ay tumatakbong lumigid papunta sa driver seat. Pagpasok pa lang ay pinaandar na niya agad ang sasakyan.

"Saan ba tayo pupunta? May kailangan kasi akong puntahan." tanong ko na may himig ng pagtutol.

 Hindi niya ako sinagot.  Napakaseryoso niya habang nagmamaneho.

"You're acting so weird, Lester." napapailing na wika ko at pagkatapos ay itinuon na lang ang aking paningin sa bintana.

"I like it whenever you say my first name. Habang ang lahat ay tinatawag akong Jim o Jimuel ay mas gusto mong tawagin ako sa una kong pangalan. Coming from you it sounded so sweet." seryosong saad nito. Napalingon ako sa kanya.

"I really like you, Princess. Actually, all of us. But I like you more."

"Lester..." mahinang wika ko.

 Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko talaga maintindihan ang mga kinikilos niya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso.

"Dinadaan ko sa biro ang lahat dahil ayokong isipin ng mga brads ko na inaagaw kita mula kay Pierre."

 Hindi ako makaimik. Seryoso ba talaga siya sa akin? Akala ko'y biro lang sa kanya ang lahat at gustong gusto lang niyang inaasar si Ram.

"I could fight for you, Princess but I didn't. Why? Dahil nakikita ko kung gaano ka-seryoso sayo ang kaibigan ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ginagawa niya ang lahat para ipakita na mahal ka talaga niya. Mga bagay na hindi ko akalaing magagawa niya para sa'yo."

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?" usisa ko. Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Give him a chance to love you. Alam kong ayaw mo nang magmahal muli dahil nasaktan ka noon. Bakit 'di mo subukan muling buksan ang puso mo?" sa halip ay sagot nito.

"Binabasted mo ba ako?" biro ko. Nagbabakasakaling napatawa ko siya. Nakakabahala pala kapag seryoso siya. Parang ibang tao siya.

 Ngumiti siya nang bahagya. Oh okay, hindi umubra. Geez! He's really serious.

"I love you, my princess."

  Umiling-iling ako. Dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. 

"Yes, you heard me right. I don't just like you. I love you but somehow I knew you like Pierre more than me."

"What?" gulat na bulaslas ko.

"Don't deny it, my princess. I could feel it. You love him but you're just afraid to admit it to yourself."

  Shit! Ano bang problema niya? Ginugulo niya utak ko. 

"Nagparaya ako. Kung napansin mo sa nakalipas na mga buwan ay hindi na ako gaanong nangungulit sayo. May mga sinasama pa akong babae sa mga get together ng barkada. Gayunpaman sa puso ko'y ikaw pa rin talaga." madamdamin niyang wika.

 Nangilid ang luha sa aking mga mata. Parang gustong madurog ang puso ko sa pinagtapat niya. Bakit hindi ko man lang nahalata? Ganoon ba siya kagaling magtago ng nararamdaman sa kabila ng masayahin niyang personalidad? O naging abala lang ako sa pag-analisa sa atensiyon na binibigay ni Ram sa akin?

"Ngunit ito ang tatandaan mo sa oras na ayaw na niya sa'yo o bigla ka na lang niyang itinapon ako ang unang sasalo sayo. Which I don't think it will happen. I saw his sincerity. And I know you will, eventually." pagkatapos ay hinihinto niya ang sasakyan. Iniabot ang kung ano sa back seat.

"Take this." inilagay sa kandungan ko ang bouquet na mga bulaklak.

"And this is my gift for you." May hinugot ito mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Inabot sa akin ang isang maliit na box.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon