Chapter 35

5.9K 132 14
                                    

Pagkatapos ibaba ang tawag ay nagtungo akong muli sa opisina ni Ram. Nag-angat siya ng tingin nang pumasok ako. May kausap siya sa telepono kaya naman hinintay ko muna na matapos makipag-usap.

"I'll see you soon. I need to go. I love you too." wika nito sa kausap bago ibinaba ang telepono.

"Have a sit and tell me what you want." malamig na saad nito.

 Pambihira talaga. Siya pa ang may ganang mainis? Pati personal issues dinadala sa trabaho. Patience, Princess, Patience. Paalala ko sa aking sarili. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago pa ako mawalan ng pasensya. 

"Tumawag po si Sir Nico. Tinatanong niya kung kailan ang dinner natin. Nakatawag na raw siya sa Solenne para sa reservation. He's asking for the date and time to finalize everything." pormal kong saad.

"Definitely not tonight. I have a dinner with my family." 

 Mabuti naman. Kung ganito rin lang ang magiging pakikitungo niya sa akin. Huwag na lang ituloy. Pero bakit parang disappointed ako? No! Hindi pwede! Hindi dapat ako makaramdam ng ganito! Eh ano naman kung may dinner siya kasama ang pamilya niya? Natural lang naman na unahin niya ang pamilya niya.

"Ang mabuti pa'y kalimutan na natin ang tungkol 'don. Ikaw lang naman nagpupumilit sa dinner na 'yon. Wala naman tayong dapat pag-usapan pa." saad ko. Hindi ko na itinago ang aking pagkainis. Damn the formalities! 

"Do you want me to cancel the dinner with my family? I'll do it. Kung iyon ang ikinagagalit mo."

"Hindi ako galit!"

"Pero, 'yon ang nakikita ko sa mukha mo." mariin niyang saad. Tsk! Heto na naman po kami.

"Naiinis lang ako dahil ipinagpipilitan mo na mangyari ang dinner na 'yon. Para ano? Para magpaliwanag? You don't need to. It won't make any difference."

"I think, It  will! If you would just listen. " giit nito.

"Pinakinggan ko rin si Lester pero may nag-iba ba? Wala!" katwiran ko.

 Magkaiba man ang sitwasyon ay pareho pa rin nila akong nasaktan. Hindi na mababago ang katotohanang iyon. Kaya ganoon na lang ang tanggi ko na pakinggan ang paliwanag nila. Masyado na akong nasaktan ng mga taong minahal ko.

"Bakit? Pinakinggan mo ba ang lahat ng paliwanag niya? Base sa narinig ko'y may gusto siyang sabihin. Pero anong ginawa mo? Nagalit ka lang nang tangkain niya--"

"Bakit? Ano bang alam mo?!" putol ko.

"Wala. Labas na ako sa problema n'yo ng kaibigan ko. Ang sinasabi ko lang, kung makikinig ka'y baka magkaroon ng puwang sa puso mo ang kapatawaran. May pagkakasala ako sa'yo, oo, pati na rin si Jim. Pero hindi mo ba naisip na kung makikinig ka'y baka maunawaan mo kami."

"Bakit pa? And why do you need to do this?" galit kong tanong.

"Because I want you back!" malakas niyang sagot.

 Natigilan ako. Nanlaki ang aking mga mata. Sobra akong nagulat sa kanyang ipinahayag.

"Y-you w-want me to be your mistress?!" hindi makapaniwalang bulaslas ko.

"No! For Pete's sake!"

"Then what?" mariin kong tanong.

"I'll tell you over dinner tomorrow." sa halip ay sagot nito.

 Tumayo ako nang wala sa loob at naglakad patungo sa pintuan . Ngunit bago ako tuluyang makalabas ay tinawag niya akong muli. Nilingon ko siya.

"I'm quite sure Jim and I have the same reason why we want your forgiveness. I know he loves you the same way that I do but I want you to remember this, I won't give you up. I'll fight for you." saad nito. Pagkatapos no'n ay tumalikod na ako. Wala akong maapuhap na sabihin. Okupado pa rin ng utak ko ng ipinahayag niya kanina.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon