Pagkahatid ni Ram sa akin ay naroroon pa ang dalawang sasakyan sa tapat ng bahay. Ibig sabihin ay hindi pa sila nakakaalis. Magkahawak ang aming mga kamay nang pumasok kami sa gate. Mas naging masuyo siya sa akin. Totoo nga ang kasabihang 'Actions speaks louder than words.' Sa kanyang mga gestures ay ramdam ko ang kanyang respeto at pagmamahal. Kaninang pauwi na kami ay halos 'di na niya gustong bitawan ang aking mga kamay. Habang nagmamaneho ay hawak pa rin niya ang aking kaliwang kamay at paminsan-minsan ay hinahalikan pa ito. Hindi niya binibitawan kahit kailangan niyang mag-shift ng gear.
Nasa kalagitnaan na kami ng driveway nang napatingin ako sa gilid ng garden dahil nahagip ng aking tingin ang taong nakaupo sa porch swing. Nang maaninag ko ang mukha niya'y nalaman kong si Lester iyon. Hinila ko ang aking kamay mula kay Ram.
"Mauna ka na sa loob." pakiusap ko.
Napatingin siya sa kinaroroonan ni Lester. At parang nakakaunawang tumango-tango.
"Sumunod na lang kayo sa loob. Ako na lang ang magsasabi sa mga brads ko. Okay lang ba?"
Ngumiti ako at marahang tumango bilang pagsang-ayon. Hinalikan niya ako sa ulo bago tumalikod para pumasok sa loob.
Mabilis akong naglakad palapit kay Lester na kasalukuyang humihithit ng sigarilyo. Ngayon ko lang nalaman na naninigarilyo ang loko. Ni-minsan ay hindi ko nakitang nanigarilyo ang isa man sa kanilang magkakaibigan. Marahil ay hindi lang nila ito ginagawa kapag kasama kami ni Trishia. Ewan ko lang kapag sila lang ang magkakasama. Umaasa akong hindi naninigarilyo si Ram dahil baka pagmulan pa iyon ng away namin. Ayoko talaga nakakalanghap ng usok dahil parang nagsisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko 'di ako makahinga ng maayos. Noon pa ma'y turn off na sa akin ang mga lalaking naninigarilyo kahit gaano pa ito kagwapo.
Saglit kong pinigil ang aking hininga bago huminto sa kanyang harapan. Nagbuga ako ng malalim na hininga bago siya pinagsabihan.
"Non-smoking area ang pamamahay ko." inis kong paalala sa kanya habang tinatakpan ang aking ilong gamit ang aking hintuturo. Umaasang hindi malanghap ang usok na binubuga nito.
"Sungit mo. Kaya nga ako nasa labas, your highness." tugon nito na may halong pamimilosopo. Pagkatapos ay humithit ulit ng sigarilyo.
Hinila ko ito mula sa kanyang bibig. Tinapon ko sa damuhan at inapak-apakan.
"Tigil-tigilan mo na ang paninigarilyo mo. Ang gwapo mo pa naman. Sayang ang lahi mo kapag maaga kang namatay." sermon ko. Muntik pa akong maubo nang malanghap ang usok na binuga nito. Gusto yata magkaroon ng lung cancer ng lalaking ito at dinamay pa ako.
"At mas maagang mamatay ang isang tulad kong nakakalanghap ng second hand smoke." inis na dagdag ko.
Magkasalubong ang aking mga kilay nang umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya nang mataman.
"Anong problema?" tanong ko. Tingin ko kasi'y stress ang dahilan kaya naisipan niyang humithit ng sigarilyo.
"Ang puso ko. Tinamaan talaga sa'yo." seryosong wika nito. Tila sinusuri ang kanyang mga palad habang ang mga bisig ay nakapatong sa kanyang mga hita.
Pareho kaming napatingin sa bahay nang maghiyawan ang mga nasa loob. Mukhang na-anunsiyo na ni Ram ko na kami na.
"Lester--" panimula ko.
"Alam ko. Kita naman ang ebidensiya. Unuwain mo na lang na hindi madali ang mag-move on." putol nito sa sasabihin ko.
"Alam mong higit kanino man ay alam ko 'yan. But I still can't believe you have feelings for me." tugon ko.
"Magaling ba akong magtago?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Hindi ko sigurado. Baka kasi hindi ko lang napapansin o kaya nama'y manhid pala ako." sagot ko sabay kibit ng balikat.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomanceShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...