Chapter 33

5.7K 113 1
                                    

Pagpasok muli sa loob ay pinaupo ko siya sa sofa. Tumuloy ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Napakislot ako nang paglingon ko ay nasa likod ko na pala siya. Mataman niya akong tinititigan. At pagkatapos ay pinagkrus ang mga kamay sa kanyang dibdib.

"D-do you need anything?" naiilang na tanong ko.

  Hindi siya sumagot. Ibinigay ko sa kanya ang tinimpla kong kape. Kinuha niya ito nang hindi man lang hinihiwalay ang tingin sa akin. Nang hindi ko na matagalan ang kanyang titig ay tumikhim ako.

"Magbibihis lang ako." paalam ko. Ngunit nahawakan niya ang aking braso nang dumalan ako sa tabi niya.

"I'm sorry for staring at you. I just can't believe that we're having this kind of conversation."

"Huh?" nagtatakang tugon ko. Nag-uusap ba kami? Hinarap niya ako bago sumagot. 

"'Yung hindi mo na ko inaangilan o inaaway mula pa kanina. 'Yung ganitong parang bumalik na sa dati ang pakikitungo mo sa akin. " paliwanag nito.

 Natapik ko ang aking noo. Oo nga 'no? Hindi ko man lang napansin. You're so stupid, Princess! You said you won't let your defenses down. Sermon ko sa sarili.

"Huwag ka masyado masaya. Bukas ay balik ulit tayo sa dati." sagot ko at sinubukan hilain ang aking braso. Binitawan naman niya ako.

"Ganoon ba? Naiintindihan ko. Pero umaasa pa rin ako na unti-unting malulusaw ang yelong nakabalot sa puso mo. Baka sakaling bumalik tayo sa dati." madamdamin niyang saad.

"Magpapalit lang ako ng damit." sa halip ay sagot ko at saka siya iniwan.

                          ------

Mag-iisang oras na akong 'di makatulog mula nang makaalis si Ram. Paglabas ko kanina sa kwarto pagkatapos magbihis ay nadatnan ko siyang nakatutok sa kanyang laptop. Habang naghihintay ay sinamantala niya ang pagkakataon para basahin ang ginawa kong PowerPoint Presentation. Umupo ako sa pang-isahang sofa. Alangan namang iwan ko siyang mag-isa sa sala.Kabastusan naman yata 'yun. Kahit papaano'y bisita ko pa rin siya. At kahit na may sama ako ng loob sa kanya ay hindi pa rin tamang bastusin ko siya sa loob ng aking pamamahay. 

 Dahil na rin siguro sa antok ay hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Ginising lang niya ako para sabihing aalis na siya. Inihatid ko siya sa gate kung nasaan naghihintay ang kotseng susundo sa kanya. Nagulat ako nang kinintalan niya ako ng halik sa ulo bago mabilis na pumasok sa kotse.  

 That's why I can't sleep! I'm bothered because of his actions. He's been so mean since the day our paths cross again. Then all of a sudden he's being nice. He's been expressing his feelings since the dinner at Nico's house. What does he wants?

 Damn you Andrada!

Kinabukasan paggising ko'y napabalikwas ako nang makita ang wall clock. Mag-aalas otso na! Patay ako dahil siguradong mala-late ako.

"Leng!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas papunta sa kusina.

"Ate tawag mo ko?" salubong niya sa akin.

"Bakit hindi mo ko ginising? Ang bata nasaan?" tarantang tanong ko.

"Sinundo na po ng service niya."

"Mabuti naman. Maliligo na ako." tugon ko sabay talikod para kumuha ng tuwalya sa kwarto.

"Hindi po ba kayo kakain ng almusal?" habol nito.

"Wala ng oras, Leng. Ma-lalate na ako!" sagot ko habang nasa loob ng kwarto.

Habang nasa daan ay tinawagan ko agad si Ram para sabihing mala-late ako.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon